Duterte supporter Piolo Pascual reacts to Agot Isidro calling the president a "psychopath"

IMAGE Noel Orsal / Agot Isidro's Instagram

Piolo Pascual on Agot Isidro's strong stance against President Rodrigo Duterte: "I feel bad. I feel bad for Agot for whatever's happening. But we believe in what we believe in... That's their opinion and that's their stand. Respetuhan lang."


Ikinalungkot ni Piolo Pascual ang pambabatikos na natatanggap ni Agot Isidro dahil sa pagtuligsa nito sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng pagtawag ni Agot kay Duterte na "psychopath," dala ng pang-aaway umano ng huli sa European Union at U.S.

Read: Agot Isidro will not be bullied

Bagamat isa raw siya sa mga tagasuporta ni Duterte, iginiit ni Piolo na nirerespeto niya ang opinyon ni Agot ukol sa pangulo.

“I feel bad. I feel bad for Agot for whatever’s happening.

“But we believe in what we believe in.

“I’m not in the position to comment on that, you know.

That’s their opinion and that’s their stand. Respetuhan lang.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa presscon ng Sun Life, na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila, kahapon, October 12.

Dito ay sinabi ni Piolo na nirerespeto rin niya ang pagsuporta ng iba pang artista, na tulad ni Agot ay bukas sa paghayag ng kanilang opinyon laban kay Pangulong Duterte.

“I said what I said, kanya-kanyang opinyon naman ‘yan. Pero respetuhan na lang tayo.

“Just like what Pie [Cherry Pie Picache] said, artista tayo, but we also have our social responsibility.

“Whatever we say, opinyon natin yun. We are all entitled to our own opinion, respetuhan lang.”

Sa parte niya, nanindigan si Piolo na todo pa rin ang suporta niya kay Pangulong Duterte sa kabila ng mga pambabatikos na ibinabato sa administrasyon nito.

“I’ve always been for Duterte, ever since.

“Pero siyempre, in this business, whatever you say is magnified.

“I’ll just pray for him. I need to pray for our President, we need the President — regardless, yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN