Bianca Gonzalez: Bashing an innocent child is very wrong

IMAGE Anj Sampayan

Bianca Gonzalez on daughter Lucia's bashers: "Bashing me and my husband, because we're both public figures, accepted na namin yun, masakit, pero accepted. But to a baby, it hurts, but I can't say na I'm affected. Kasi, for any parent, ang anak niya ang pinakamagandang biyaya ng Diyos."


Aminado si Bianca Gonzalez na nasasaktan siya sa nababasang negative comments tungkol sa kanyang 11-month-old baby girl na si Lucia.

Bagama’t alam niyang parte ito ng industriya na kinabibilangan nila ng kanyang mister na si JC Intal, hindi niya makita ang rason para isama pa sa pamba-bash ang kanyang walang-muwang na anak.

Pahayag ng Pinoy Big Brother host, “Bashing me and my husband, because we’re both public figures, accepted na namin yun, masakit, pero accepted.

“But to a baby, it hurts, but I can’t say na I’m affected.

“Kasi, for any parent, ang anak niya ang pinakamagandang biyaya ng Diyos.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa media launch ng Johnson’s bedtime #TonightWeSleep products sa Blue Leaf Events Pavilion, sa Taguig City, kahapon, Oktubre 12.

BIANCA FIGHTS BACK. Unang iniulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagsagot ng TV host sa isang basher na tinawag ang kanyang anak na “negra.”

Read: Bianca Gonzalez defends daughter Lucia from bashers

Saad ni Bianca, “Since Day 1, we don’t post a lot of photos kasi of our baby.

“Parang siguro just like we don’t post a lot of selfies, nag-carry on sa baby na we post sometimes lang.

“Ever since we started posting, meron at meron talagang mga bashers.

“Except that one time that I answered one, siguro paggising ko, I was just in the mood to answer.

“Basically tinira lang niya because my baby is dark-skinned.

“Then I answered, 'Siyempre dark-skinned, kasi yung nanay, morena. Alangan namang maputi paglabas, mas weird yun.'”

Hindi raw inaasahan ni Bianca na tatatak sa isip ng mga tao ang kanyang naging pagsagot. Gayunpaman, masaya siya sa naging resulta nito.

Pagbabahagi niya, “Apparently it resonated in so many people, and PEP was the first one that carried it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinick-up din siya ng ibang news sites.

“Nagulat ako, kasi the way I answered the basher was parang binakla ko lang.

“Parang, yun nga, ‘alangan namang maputi,’ ganun lang.

“But I was so happy that it resonated with so many people na 2016 na, I can’t believe na issue pa rin yun [skin tone] sa mga tao.”

BASHING AN INNOCENT CHILD. Maging ngayon daw ay may mga nababasa pa ring negative comments si Bianca.

“But I feel, yung iba, gusto lang sagutin ko sila.”

Sa kabila ng mga negatibong komento, na-aappreciate daw ni Bianca ang mga nagtatanggol sa kanila.

“Pero kasi within my comment section, it’s my followers who also answered them na.

“Minsan natatawa ako kasi sila na yung nang-aaway.

“They don’t need to do naman, but they’re so sweet, kasi they do.”

Dagdag niya, “I think anyone knows that whoever bashes an innocent baby or child, parang medyo may maling-mali na dun, na it doesn’t even dignify an answer.

“But it was just that one time na nasa mood ako sumagot kaya sinagot ko.

“Alam ko na people who bash babies or kids na walang kamalay-malay, crossing the line na iyon talaga and may issue siya sa sarili niya kaya nagagawa niya yun.

“For any parent, ang anak niya ang pinakamagandang biyaya ng Diyos.

“Anyone who says otherwise, hindi pa siguro nagkakaanak or may issue nga sa sarili niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN