Agot Isidro posts another quote amid attacks from avid Duterte supporters

IMAGE Arniel C. Serato

Hindi nagpapaapekto ang singer-actress na si Agot Isidro sa bashers. Sa pamamagitan ng isang maikling quote sa Instagram, ipinaramdam niya na walang makakatinag sa kanyang pagkatao at prinsipyo.


Nananatiling matatag si Agot Isidro sa kabila ng mga batikos dahil sa kanyang 'psychopath' comment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Simula nang maging viral sa social media ang kanyang post, hindi na tinigilan si Agot ng netizens, lalo na ng die-hard supporters ng Pangulo.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato kay Agot sa social media: 'baog,' 'laos,' 'nagpapapansin,' at siya daw mismo ang dapat magpatingin sa psychiatrist.

May mga nagpapakalat pa ng fake news na diumano'y nasamsaman ito ng malaking halaga ng pera sa kanyang bahay na galing diumano sa boyfriend nitong drug lord.



May ilan pang nagsabing ibu-boycott nila ang ABS-CBN primetime show na FPJ's Ang Probinsyano dahil sa kanya.

Nanawagan din ang iba na sana ay tuluyan nang patayin ang kanyang karakter sa teleserye para muli silang manood nito.

Kahapon, October 12, ipinaramdam ni Agot sa kanyang mga tagahanga at followers na hindi siya magpapadala sa bullying na kanyang kinaharap dahil sa isyu.

Good morning!

A photo posted by Agot Isidro (@agotisidro) on

Ngayong araw naman, October 13, isa pang quotation ang ibinahagi ng 50-year-old singer-actress sa kanyang Instagram account.

Nakasaad dito: "You're a diamond, dear. They can't break you."

Good morning!

A photo posted by Agot Isidro (@agotisidro) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN