Sunshine Dizon's complaints vs Timothy Tan, Clarisma Sison move to next step

IMAGE Mark Atienza

Wala raw balak si Sunshine Dizon na iatras ang mga reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC) at concubinage na isinampa niya laban sa asawang si Timothy Tan at sa mistress daw nitong si Clarisma Sison. Ngayong araw, October 13, nagsumite na ang aktres ng kanyang reply affidavit sa inihain namang counter-affidavits nina Timothy at Clarisma.


Naihain na nina Timothy Tan at Clarisma Sison ang kanilang counter-affidavits para sa mga reklamong paglabag sa Violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC) at concubinage na inihain laban sa kanila ng aktres na si Sunshine Dizon.

Si Timothy ang mister ni Sunshine at nagkaroon umano ng kaugnayan kay Clarisma.

Ngayong hapon, October 13, nagsumite naman ng kanyang reply affidavit ang Encantadia actress sa Quezon City Regional Court (QCRTC).

Ayon sa maiksing pahayag ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang muling pagpunta sa korte, “We filed my reply today to their counter-affidavit and on November 3, they are expected to file their rejoinder.”

Matatandaang nabigong magsumite noong September 15 sina Timothy at Clarisma ng kanilang mga sagot sa reklamo laban sa kanila ni Sunshine.

Read: Clarisma Sison, Timothy Tan fail to submit counter-affidavits in cases filed by Sunshine Dizon

Dagdag pa ni Sunshine, wala siyang balak iurong ang mga reklamo, taliwas sa kumakalat na balita na diumano’y nagkaayos na sila ng mister.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN