Piolo Pascual on love life: "As much as I want to say na there's someone, wala, e."

IMAGE Noel Orsal

"As much as I want to say na there's someone, wala, e," said ABS-CBN's ultimate heartthrob Piolo Pascual in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Wednesday, October 12.


Single at available pa rin ang ultimate heartthrob ng ABS-CBN na si Piolo Pascual.

Wala pa rin ba talagang nagpapatibok sa puso niya?

Natatawang sagot ni Piolo, “Wala nga, pakitibok nga!

“As much as I want to say na there’s someone, wala, e.”

Sa edad na 39, marami nang naipundar na investment si Piolo. Bukod pa rito ang kinikita niya bilang artista at celebrity endorser.

Kung tutuusin ay tila asawa na lang talaga ang kulang sa buhay niya.

Nararamdaman ba niya ang kakulangang iyon o sadyang ibang tao lang ang mas nasasabik na makitang lumagay siya sa tahimik?

“Feeling ko, kayo lang naman [nakakaramdam na may kulang]!” natawang biro ni Piolo.

Hindi raw talaga isyu sa kanya ang pagiging single sa ngayon.

Aniya, “Well, grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko, and besides, I enjoy [my single life].

“Gusto kong mag-travel, gusto kong marami pang gawin.

And like I’ve said, if it comes, it comes.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa presscon ng Sun Life, na ginanap sa Sofitel Plaza Manila, Miyerkules ng hapon, Oktubre 12.

LOVE ADVICE FOR INIGO. Aminado si Piolo na daig pa siya ng anak na si Inigo Pascual pagdating sa pagkakaroon ng love life.

“Feeling ko nga, baka maunahan pa ko ng anak ko.”

Papayag siya sakaling maunang mag-asawa si Inigo sa kanya?

Sabi ni Piolo, “Sana hindi. [But] he has a girlfriend already.

“Hindi natin mapipigilan ang bugso ng damdamin ng mga kabataan.”

Minsang naikuwento ni Piolo sa PEP na boto siya sa non-showbiz girlfriend ni Inigo na si Kelley Day.

Read: Piolo Pascual approves of son Inigo's constant date Kelley Day

Anong payo ang ibinigay niya sa anak pagdating sa usaping pag-ibig?

Sagot ni Piolo, “Live life. Hindi mo kailangang madaliin ang buhay.

“Be practical and be wise, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang isang pagkakamali, puwedeng mag-lead sa habang buhay na pagsisisihan.”

WEALTH AND PRENUP. Samantala, natawa na lang si Piolo sa tuwing sasabihin namin sa kanyang mayaman na siya at puwede nang mabuhay nang kumportable.

Kung tutuusin, masuwerte rin ang babaeng mapipili niyang pakasalan dahil secure na ang future nito sa aktor.

Sakaling dumating ang oras na yun, gagawa ba siya ng prenuptial agreement?

Sagot ni Piolo, “I’ll cross the bridge when I get there.

“It depends siguro dun sa mapapangasawa mo. Hindi ko siya masagot for now.

“It’s a delicate issue. You have to agree with your spouse kung paano at kung kinakailangan.”

Pero open siya sa bagay na yun?

Sagot ulit niya, “Yes, of course.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN