Model-actress corroborates Rosanna Roces's claim about Bilibid sex trade

IMAGE Rosanna Roces Facebook / UNTV Web

Pinatunayan ng isang dating modelo at artista na may nangyayari ngang bentahan ng laman sa New Bilibid Prison noong hindi pa hinigpitan ang seguridad doon. Ito rin ang sinabi ni Rosanna Roces sa kanyang Facebook page matapos siyang pangalanang kabit diumano ng isang high-profile inmate.


Kinumpirma ng isang dating modelo at artista ang sex trade o pagbebenta ng laman sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sa ulat ni Marisol Abdurahman para sa 24 Oras ng GMA Network kagabi, October 13, ibinahagi sa kanya ng isang pinangalanan niyang ‘Melody’ ang tungkol sa akusasyong ito.

Ang tawag daw sa mga babaeng nagbebenta ng aliw sa high-profile inmates ay ‘tilapia’ o ‘bangus.’

Inamin din ni 'Melody' na dati niyang kliyente ang drug lord na si Vicente Sy.

Lahad niya, “Ang tagal bago kami makapasok.

“Tawag kay Vicente... every time papasok doon, sa gate pa lang papasundo na niya ako at yung kasama ko.

“So, walang humaharang sa akin.”

Dagdag pa niya, nakapasok na raw siya sa Bilibid ng halos 15 hanggang 20 beses bago pa man higpitan ang seguridad dito.

Kapag nasa loob siya, magtatagal daw siya ng ilang oras, o minsan pa nga ay magdamagan, sa kubol ni Sy.

Sa pangalawa niyang pagbisita, nagsama pa siya ng isang babae kung saan nadagdagan pa raw ang kanyang kita.

Mula limang libo hanggang sampung libo raw ang kanyang kinikita kapag nagdadala siya ng babae sa loob.

Ito rin ang inamin ng dating sexy star na si Rosanna Roces nitong nakaraang linggo lamang.

Sabi pa ni Rosanna, kada babae raw na kanyang dinadala sa loob ay kumikita siya ng P25,000.

Naging kliyente na rin daw ng aktres si Vicente Sy, ang convicted drug lord na tinutukoy ni Melody.

Read: Rosanna Roces denies being a mistress of an alleged Bilibid drug lord; admits bringing women to Sy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN