Paolo Ballesteros returns to Kalyeserye; Maine Mendoza says, "Kumpleto na tayo, Lola!"

IMAGE Paolo Ballesteros' Instagram / Screegrab from Eat Bulaga!

While it has been over a month since he returned to Eat Bulaga!, it's the first time Paolo Ballesteros appeared on the Kalyeserye segment, ever since he was suspended from the GMA-7 noontime show.

 

 


Ikinatuwa ni Maine Mendoza at ng iba pang mainstays ng Eat Bulaga! ang pagbabalik ni Paolo Ballesteros sa “Kalyeserye” segment.

Kasabay ng pagbabalik ng "Kalyserye," masayang sinalubong si Paolo, aka Lola Tidora, nina Maine, Lola Nidora (Wally Bayola), at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Sabi ni Maine, “Kumpleto na tayo, Lola!”

Matatandaang September 3 nang ipalabas ang huling episode ng "Kalyeserye" bago ito pansamantalang nawala sa GMA-7 noontime show.

September 5 naman nang opisyal na bumalik si Paolo sa Eat Bulaga!

READ: Paolo Ballesteros returns to Eat Bulaga!

Ito ay pagkatapos ng anim na buwan niyang pagkasuspinde, kaugnay ng Facebook rants nito noong Marso.

READ: Is Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga?

Samantala, muling ipinamalas ni Paolo ang signature whistle ng kanyang ginagampanang papel na si Lola Tinidora.

Paolo Ballesteros returns to Eat Bulaga! Kalyeserye. #aldubanew

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Nasundan ito ng eksena kung saan pormal na namanhikan si Alden Richards kay Maine sa "Kalyeserye" episode na ito na may hashtag na #AlDubAnew.

Trending topic ang #AldubAnew sa social media, gayundin ang pagbabalik ni Paolo sa nabanggit na segment.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN