Ryza Cenon downplays competition with LJ Reyes

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon on doing daring roles: "It's about time na rin po. Sobrang blessed nga po ako, na nabigyan ako ng ganitong break, naipakita ko na kaya ko."


Nilinaw ni Ryza Cenon na walang kumpetisyon sa pagitan nila ng runner-up niya sa StarStruck Season 2 na si LJ Reyes.

Dahil kasi sa bagong pelikula ni Ryza na Ang Manananggal sa Unit 23B, hindi maiwasang maikumpara siya sa kapwa Kapuso actress.

Bukod sa parehong bahagi ng QCinema Film Festival ang pelikula niya at dating pelikula ni LJ na Anino sa Likod ng Buwan, pareho ring nagpaka-daring ang dalawang StarStruck alumni sa kani-kanilang pelikula.

Siyempre, wala naman pong kumpetisyon. Masaya ako na nanalo siya international and here,” sabi ni Ryza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters bago ang premiere night ng Ang Manananggal sa Unit 23B noong Sabado, October 15.

Katulad ni LJ, umaasa rin si Ryza na makakuha ng acting recognition.

Sabi ng StarStruck Batch 2 female winner, “Mas maganda rin kung makuha ko rin para yung batch namin, ayos, di ba?”

Para sa kanyang pagganap sa Anino sa Likod ng Buwan, nakamit ni LJ ang Best Actress awards sa 13th Pacific Meridian Film Festival sa Russia noong 2015, sa PMPC Star Awards for Movies 2016 noong March 2016, at sa Gawad Urian noong June 2016.

Samantala, makakatunggali naman ni Ryza ang mga batikang aktres na sina Nora Aunor at Jaclyn Jose para sa Best Actress category sa QCinema Film Festival ngayong taon.

Read: Nora Aunor, Jaclyn Jose among stars featured in 2016 QCinema Film Festival

ON DOING SEXY ROLES. Aminado si Ryza na napaiyak siya dahil sa ginawa niyang masturbation scene para sa Ang Manananggal sa Unit 23B.

Kuwento niya sa PEP, “Iniyakan ko siya, hindi ko naman itatago iyan.

“Umiyak ako sa bahay, hindi ako nagpakita sa kanila.

“Kasi, kapag nagpakita ako sa kanila [production]... para hindi sila ma-awkward.”

Dagdag paliwanag pa niya, “Inilabas ko lang talaga yung kaba ko.

“Pero hindi yung umiyak na ayaw ko siyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Umiyak ako dahil kinakabahan ako, baka hindi ko siya magawa nang maayos.”

Bagamat nagawa na niya ang ganitong klaseng role, umaasa si Ryza na hindi siya mai-stereotype.

Aniya, “Iyan po ang lilinawin ko. Hindi ibig sabihin na gumawa ako ng sexy scene, lahat ng indie ko, yun lang ang gagawin ko.

“Siyempre, ayaw ko rin pong ma-box sa ganung [role].

“Gusto ko rin pong gumawa ng iba pang character.

“Depende pa rin po sa materyal. Hindi naman po ako basta na lang oo nang oo.”

Kasalukuyang mapapanood ang mga kalahok sa QCinema Film Festival sa mga sumusunod na sinehan: Gateway Mall, Robinsons Galleria, TriNoma, at UP Town Center.

NOT DEPRESSED ANYMORE. Samantala, masaya namang ibinahagi ni Ryza na nakalagpas na siya sa depression stage.

Read: Ryza Cenon opens up about attempted suicide due to depression

“Wala na akong depresyon ngayon,” nakangiting sabi ng 28-year-old actress.

Pero nilinaw niyang may mga pagkakataon pa ring nakararamdam siya ng lungkot.

“Mayroon pa rin, hindi naman mawawala na makaramdam tayo ng lungkot.

“Mayroon at mayroon pa rin. Hindi lang sobra-sobra, like mapupunta sa depression.”

Dahil ba ito sa bagong inspirasyon sa buhay niya?

Natawa lamang si Ryza nang tanungin kung loveless pa rin siya ngayon.

Hindi na rin niya naiwasang sabihing may idine-date siya ngayong non-showbiz businessman.

Ngunit nakiusap siyang huwag na munang usisain tungkol dito.

Pabiro niyang hirit sa huli, “Pagbigyan niyo na ako. Paubaya niyo na sa akin 'to, ang tanda ko na, o.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN