Prince Stefan's rumored boyfriend slams basher for malicious comment

IMAGE Instagram (@paoloamores)

Prince Stefan's "beybi" Paolo Amores hits back at basher for sly comment and calling him "bakla."


Sinagot ng napapabalitang boyfriend ni Prince Stefan ang isang basher na nagkomento nang bastos sa isang Instagram post.

Sa Instagram account ni Paolo Amores, ipinost nito kamakailan ang picture nilang dalawa ng StarStruck alumnus nang dumating ang aktor sa Singapore.

Sa Singapore kasi naka-base ngayon si Paolo.

Finally with Beb! Welcome to Singapore again ??????

A photo posted by Paolo Amores (@paoloamores) on

Sa comments section, isang netizen ang nagkomento nang bastos.



Sinagot naman ito ni Paolo, tinawag ang basher na "bastos," "bakla," at sinabihan na rumespeto ng tao.


Samantala, sunud-sunod naman ang pagpu-post nina Prince at Paolo ng mga larawan nilang magkasama sa kani-kanilang social media accounts.

Noong July, nasulat sa PEP ang pag-amin ni Prince na nasa ligawan stage sila ni Paolo at ayaw niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

Read: Prince Stefan admits 'no label relationship' with guy friend

Pero sa kanilang Instagram posts, kapansin-pansin ang pagtawag nila sa isat’ isa ng “beybi.”

Finally with my beybi???? #Singapore

A photo posted by Prince Stefan (@iamprincestefan) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN