Ai-Ai delas Alas willing to give up sex life and boyfriend for Papal award

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas on boyfriend Gerald Sibayan's reaction to her celibacy: "Mas lalo ko siyang na-appreciate at nalaman ko lalo na mahal na mahal niya ako nung sinagot niya na, 'Hindi naman yun ang minahal ko sa 'yo, so hihintayin ko na makasal tayo.' Dati, in four years [ang plano], magpapakasal kami. Ngayon, iniuurong na niya sa two years. Baka nga one year na lang, e."


Ang celibacy (the state of abstaining from marriage and sexual relations) ang isa sa mga isyung lumutang sa pagkakapili kay Ai-Ai delas Alas bilang recipient ng Pro Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis.

Read: Ai-Ai delas Alas conferred with Papal award for her 'distinguished service to the church'

Ito ay dahil sa relasyon ng 51-year-old Comedy Queen sa kanyang 22-year-old boyfriend na si Gerald Sibayan.

Ipinaubaya ni Ai-Ai kay Fr. Erick Santos ang pagsagot sa controversial issue dahil ang kanyang kaibigan na pari ang nagsabing hindi na siya puwedeng makipagtalik kung walang basbas ng simbahan ang pagsasama nila ni Gerald.

Kuwento ni Fr. Erick tungkol sa pag-uusap nila ni Ai-Ai, “Nung lumabas ito, magiging Papal awardee siya, sinabihan ko siya, ‘Ai, bawal na ang karne. You have to be celibate -- literally, figuratively. You have to be celibate.'

“Ang isinagot niya sa akin, sabi niya, ‘Father, ito galing kay Lord, even if I have to sacrifice, maisa-sacrifice ko, even if I have to give up Gerald. Igi-give up ko, kay Lord na talaga ako.’”

Habang sinasabi ito ni Fr. Erick ay napaluha si Ai-Ai.

Patuloy ni Fr. Erick, “Ang bilis ng change of heart niya, ‘no?

“So, sabi ko na lang sa kanya, ‘Hindi. Hayaan mo na lang si Gerald na subaybayan ka.’

“You can be still celibate habang sinusubaybayan ka niya until such time na ready na si Ai-Ai for marriage, nasa tamang edad na… e, di magpapakasal sila ni Gerald.

“Pero sa ngayon, yun ang promise nila na kaya din naman ni Gerald… kakayanin din niya,” ang pabiro pero seryoso na pahayag ni Fr. Erick.

WILLING TO WAIT. Maligayang-maligaya naman si Gerald nang malaman nitong Papal awardee ang kanyang girlfriend.

Lalong minahal ni Ai-Ai si Gerald dahil sa salitang binitawan nito na handa siyang maghintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Ai-Ai, “Masaya siya.

“Mas lalo ko siyang na-appreciate at nalaman ko lalo na mahal na mahal niya ako nung sinagot niya na, ‘Hindi naman yun ang minahal ko sa ‘yo, so hihintayin ko na makasal tayo.’

“Dati, in four years [ang plano], magpapakasal kami.

“Ngayon, iniuurong na niya sa two years. Baka nga one year na lang, e.

“Di ba, parang maging good example naman ako sa mga bata na magpapakasal?

“Para may maibigay naman ako sa kanila, buong buhay ko sa showbiz, may matutunan man lang sila na maganda sa akin.”

Nakatakdang tanggapin ni Ai-Ai ang kanyang Pro Ecclesia et Pontifice medal sa Solemn Investiture na magaganap sa mismong kaarawan niya sa November 11.

Idaraos ito sa Cathedral of the Good Shepherd, Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN