Ai-Ai delas Alas on Kris Aquino: "In my heart, pinatawad ko na siya."

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas: "Nung malaman ko na tatanggap ako ng Papal award, lahat ng mga baka nasaktan ko, tinext ko sila and humingi ako ng tawad. Nag-sorry ako kung anuman yung nagawa ko sa inyo, maliit man o malaki, nasaktan ko kayo, humihingi ako ng tawad."


“Yes, in my heart, pinatawad ko na siya.”

Ito ang sagot ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kung napatawad na niya si Kris Aquino.

Matatandaang noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Ai-Ai ay naging malapit na magkaibigan sila ni Kris, ngunit biglang napabalita ang pagkakaroon nila ng alitan sa hindi pa rin malinaw na dahilan.

Kaya naman sa announcement ni Bishop Antonio Tobias tungkol sa pagkakapili kay Ai-Ai bilang recipient ng Pro-Ecclesia et Pontifice medal mula kay Pope Francis kahapon, October 17, ang misunderstanding nila ni Kris na walang closure ang isa sa mga itinanong sa Kapuso comedienne.

Bukod kay Kris, pinatawad na rin daw ni Ai-Ai ang ibang mga personalidad na nakasakit sa damdamin niya.

At higit sa lahat, humingi rin siya ng kapatawaran mula sa lahat ng mga taong kanyang nasaktan.

Saad niya, “Nung malaman ko na tatanggap ako ng Papal award, lahat ng mga baka nasaktan ko, tinext ko sila and humingi ako ng tawad.

“Nag-sorry ako kung anuman yung nagawa ko sa inyo, maliit man o malaki, nasaktan ko kayo, humihingi ako ng tawad.”

Pero hindi raw kabilang si Kris sa mga pinadalhan niya ng text message dahil hindi niya alam ang bagong contact number ng dating kaibigan.

Ang pagsagot ni Ai-Ai tungkol sa isyu ng pagpapatawad kay Kris ang huling pagkakataong magsasalita siya tungkol dito.

Nakatuon daw kasi ngayon ang kanyang atensiyon sa physical at spiritual preparation para sa Solemn Investiture Papal Award na magaganap sa mismong kaarawan niya sa November 11, 2016, sa Cathedral of the Good Shepherd, sa Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City.

Read: Ai-Ai delas Alas conferred with Papal award for her 'distinguished service to the church'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN