Iwi Laurel, daughter Nicole Asensio insulted by Cynthia Patag's 'apology'

IMAGE Facebook of Iwi laurel, Nicole Laurel Asensio, Cynthia Patag

Hindi raw katanggap-tanggap ang paumanhin ni Cynthia Patag (kanan) kay Iwi Laurel (kaliwa) at anak nitong si Nicole Asensio (gitna) dahil sa dulo raw nito ay parang nang-iinsulto pa ito sa kanila. Ito ang laman ng Facebook posts ng mag-inang Iwi at Nicole ngayong araw, October 18.


Hindi tinanggap ni Iwi Laurel at anak nitong si Nicole Laurel Asensio ang paumanhin ni Cynthia Patag sa kanila.

Ito ay kaugnay ng Facebook post ng singer-actress tungkol sa yumaong mister ni Iwi na si Noel Asensio, na biktima diumano ng 'war on drugs' ng pamahalaang Duterte.

Ayon kay Cynthia, nakuha niya ang impormasyon mula sa misis ni Jim Paredes na si Lydia.

Ngunit mariin itong pinabulaanan nina Iwa at Nicole sa kani-kanilang Facebook posts.

Read: Cynthia Patag, Jim Paredes in hot water for linking death of Iwi Laurel's husband to Duterte's war on drugs

Ngayong araw, October 18, ay nag-post ng kanyang 'apology' si Cynthia sa Facebook para kina Iwi at Nicole.

Read: Cynthia Patag says sorry for false FB post about musician's death: 'It was a simple case of 'wrong send.''

Ngunit sa Facebook posts ng mag-inang Iwi at Nicole ngayon ding araw, tila hindi katanggap-tanggap ang ginawang 'apology' ng dating Palibhasa Lalake actress.

Parang napilitan lang daw itong gawin ang naturang aksiyon dahil naipit ito sa sitwasyon.

Sabi ni Iwi sa kanyang Facebook post kaninang tanghali:

“Please be very careful, my dearest friends and family. When someone is forced to apologize and insults you in the end — It's a trap.

“Please do not reply to this person.

“It's a waste of precious time.”

May mga nagkomento sa post na ito ni Iwi na nagpahayag din ng kanilang pagkadismaya sa apology ni Cynthia, kung saan parang hindi raw ito sinsero.




Sagot ng "Special Memory" singer sa kanila: “Deadma.”

May mga nag-post pa ng mga screenshot ng mga komento ni Cynthia sa Facebook account ni Iwi:



“FORCED TO APOLOGIZE…” Hindi rin nagustuhan ni Nicole ang nasabing 'apology' ni Cynthia.

Pahayag niya sa kanyang post sa Facebook ngayong araw: “Well hello Cynthia Patag... You finally appeared on my timeline.... I didn't know losing my father was still ALL ABOUT YOU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Funny when you're forced to apologize because thousands of people realized your true terrible colors... And still you end up being defensive and insulting BOTH sides of my family instead.

“THE LOVE WAS NEVER THERE.
This woman does not know love.

“I pray for her.
“I am thankful my parents taught me love.

“But right now I'm laughing and crying at the same time coz I'm shocked.”

Hiningi na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Cynthia tungkol dito at agad namin itong ilalathala kapag natanggap na namin ang kanyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN