Bea Alonzo celebrates 29th birthday with Gerald Anderson

IMAGE @varda_atienza /@iamyoungjv_ Instagram

Bea Alonzo celebrated her 29th birthday with rumored boyfriend Gerald Anderson and selected friends not just once, but two nights in a row.


Tila hindi mapaghiwalay ang rumored couple na sina Bea Alonzo, 29, at Gerald Anderson, 27.

Patunay nito ay ang Instagram videos kung saan makikitang dalawang beses nilang ipinagdiwang ang ika-29 kaarawan ng Kapamilya actress.

Una na rito ang birthday salubong ni Bea na ginanap sa isang Filipino restaurant sa Bonificio Global City, Linggo ng gabi, October 16.

Happy birthday Bea! enjoy ur day!????????????

A photo posted by Young JV (@iamyoungjv_) on

Sa mismong kaarawan ng dalaga kagabi, October 17, ay nag-dinner ulit sila ni Gerald at ilang piling kaibigan sa isang Chinese restaurant sa Shangri-La, Taguig City.

Kitang-kita ang matamis na ngiti ni Bea habang pinangunahan ni Gerald ang pagkanta ng “Happy birthday.”

???????????? #bearald #beaalonzo #geraldanderson????????????????????

A photo posted by BEA ALONZO & GERALD ANDERSON (@bearald.universe) on

Kabilang sa namataan sa birthday ni Bea ay ang close friend niyang si Enchong Dee at Star Magic handler na si Monch Navales.

Tonight's bday dinner for Bei ???? #bearald #beaalonzo #geraldanderson #happybirthdaybeaalonzo || cto ms. @monchnovales

A photo posted by BEA ALONZO & GERALD ANDERSON (@bearald.universe) on

Matatandaang 2010 nang magkaroon ng lihim na relasyon sina Bea at Gerald.

Ngunit tatlong buwan lang tumagal ang kanilang relasyon dahil sa matinding pagtutol ng fans ng tambalang Kim Chiu at Gerald (Kimerald).

Hindi rin pabor ang ina ni Gerald kay Bea noon.

Read: Bea Alonzo and Gerald Anderson open up about their 2010 whirlwind romance

Muling nagkamabutihan ang dalawa nang pagbidahan nila ang pelikulang How To Be Yours.

Wala man silang pormal na pag-amin kung ano ang estado ng kanilang relasyon, bukas sina Bea at Gerald sa pagsasabing madalas silang lumalabas nitong mga nakaraang buwan.

Sabi ni Bea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 24, “We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan.”

Read: Bea Alonzo admits going out with Gerald Anderson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN