Robin Padilla slams fellow Duterte supporters for bashing him: "Wala na kayo sa lugar!"

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla challenges fellow Duterte supporters who criticized him to man up and criticize him face-to-face.


Hinamon ni Robin Padilla ang kanyang bashers at kapwa Duterte supporters matapos siyang batikusin ng mga ito dahil sa kanyang interview, kasama ang ibang artista, hinggil sa isyung kinasangkutan ni Agot Isidro at tungkol sa cyberbullying.

Sa kanyang Facebook account, ni-repost ng action star ang caption mula sa Facebook account ni Mocha Uson at ang link na naglalaman ng TV interview ni Robin.

Ang nasabing interview ay kinatatampukan ng ilang artista, kasama si Robin, na nagbigay ng kanilang reaksiyon hinggil cyberbullying at sa pamba-bash kay Agot ng Duterte supporters dahil sa pagtawag nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na "psychopath."

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Ang nasabing interview ay lumabas sa TV Patrol na may titulong "Mga artista, nanindigan kontra cyberbullying."

Kilalang avid supporter ni Pangulong Duterte sina Robin at Mocha.

Pero sa comments section, negatibo ang reaksiyon ng ilang Duterte supporters sa interview ni Robin.

Pinaratangan din siyang "bumaliktad," "one-sided," "matapobre," at "walang modo."




Pero bumuwelta si Robin at hinamon ang kanyang mga kritiko.

Aniya, “Yan ang hirap sa mga kasama sa Duterte Team, pati kasama ninyo binabanatan ninyo. Tsk, tsk.

“Pakibasa nga mabuti at panoorin niyo mabuti ang sinabi ko bago niyo ako banatan.”

Hinamon din ni Robin ang kanyang bashers na batikusin siya nang harap-harapan.

“Kung talagang matapang kayo dito niyo ako sitahin at tawaging gago!!! Wala na kayo sa lugar!!! Mag aantay ako!!!”


May mga netizen namang nagtanggol kay Robin at nagtanong sa mga bumabatikos sa aktor.

Nilinaw rin nilang walang sinabing masama si Robin laban kay Duterte.

May netizen na ipinost pa ang transcription ng interview ng aktor.

Narito ang pahayag ni Robin sa interview: “Ganun talaga, kapag wala ka sa oras na nakaupo yung iyo, e, talagang mababakbakan ka.

“Sabi nga ni Mayor mismo, siya na mismo nagsabi, that is our right then he will protect our right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami dami nang problema ng bansa kasi na dapat nating hinaharap. Wag na tayong mag-away-away.”

Tanong pa ng isang netizen: “Asaan ang pagtatanggol? May nababasa ba kayong hindi namin nababasa?”




Hinimok din ni Robin ang bashers niya na magsaliksik muna nang mabuti at unawain mabuti ang kanyang mga pahayag bago magkomento.

Di nagtagal ay binura ni Robin ang nasabing post.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN