Robin Padilla and Mocha Uson apologize to each other after misunderstanding on FB

IMAGE Noel Orsal

Mocha Uson and Robin Padilla post messages on Facebook anew to apologize to one another over their previous posts, which created misunderstanding among their fellow Duterte supporters.


Humingi ng paumanhin sa isa’t isa sina Robin Padilla at Mocha Uson hinggil sa kanilang previous posts na tila lumikha ng maling interpretasyon mula sa avid supporters ni President Rodrigo Duterte.

Kilala sina Robin at Mocha bilang masugid na tagasuporta ni Duterte.

Nagsimula ang isyu nang i-post ni Mocha sa kanyang Facebook account ang video interview ng mga artistang kinunan ng reaksiyon hinggil sa pagbatikos kay Agot Isidro dahil sa pagtawag nito kay Duterte ng 'psychopath' at kanilang opinyon tungkol sa cyberbullying.

Kasama si Robin sa mga artistang na-interview ng TV Patrol sa report na may titulong “Mga artista, nanindigan kontra cyberbullying.”

May mga Duterte supporters na inisip na bumaligtad si Robin kay Duterte.

Inisip din ng mga nasabing netizens na kumampi at ipinagtanggol ni Robin si Agot, kaya’t binatikos nila ang aktor.

Nag-post si Robin sa Facebook ng kanyang sagot sa mga kapwa Duterte supporters na binatikos siya, subalit hindi nagtagal ay binura rin niya ang nasabing post.

Read: Robin Padilla slams fellow Duterte supporters for bashing him: 'Wala na kayo sa lugar!'

Muling nag-post si Robin ng mensahe sa Facebook at mahinahong ipinaliwanag ang kanyang panig.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nasaktan niyang kapwa Duterte followers.

Naramdaman daw kasi niyang tila sinaksak siya sa likod kung kaya’t hindi siya naging mahinahon.

Pahayag niya, “Para sa pagbabago at para kay Mayor na aking tinitingala at sinusundan mula pa noong lumabas ako ng piitan, Ako'y humihingi ng tawad sa mga kasamang nasaktan ng aking mga salita pasensya na po kayo sa dami po ng natamo kong saksak sa likod ay nahirapan na akong huminga ng maluwag at maging mahinahon.”

Nilinaw rin ni Robin na hindi niya ipinagtanggol si Agot.

“Upang maging malinaw, hindi po ako kasama sa mga artistang nagtanggol kay Ms. Agot Isidro, bagkus, ako po ay nagsalita kahalintulad ng sinabi ni Mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong hinangad kundi ang kapayapaan at ang humakbang ang Inang Bayan paabante, hindi po ang maantala o paatras.”

Nilinaw rin ng aktor na hindi niya binabatikos si Mocha at malaki raw ang paghanga niya rito.

“Wala po akong masamang tinapay kay Ma’am MOCHA USON, ang katunayan po ay tagahanga niya ako.”

Nagpasalamat naman si Robin sa mga nagtanggol sa kanya at sinabing kaisa siya ng Pangulo para makamit ang pagbabago.

MOCHA APOLOGIZES TO ROBIN. Samantala, nag-post din si Mocha sa Facebook upang humingi ng paumanhin kay Robin dahil sa batikos na natanggap nito na nag-ugat sa maling interpretasyon sa kanyang post.

Saad ni Mocha, “Ako po ay humihingi ng tawad sa ating kapatid na si Robin Padilla sa last post ko kung ito man ay nagdulot ng maling impresyon.

“Ang nais ko lamang po ay ang ipakita ang mga mensahe ng mga artista upang matigil ang cyber-bullying at kunin ang opinyon ng ating mga ka-DDS.

“Ang pagtatanong sa opinyon ng mga artista ukol sa cyber-bullying ay ginawa ng ABS-CBN matapos ang pangba-bash po umano kay Agot Isidro kung kaya't ito ay nasabing pagsuporta sa kanya sa isyu ng cyber-bullying.

“Gayunpaman, ikinalulungkot ko po kung nagkaroon man ng hindi pagkakaunawaan at paumanhin muli kay Robin Padilla.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN