Dulce lambasts Jim Paredes and Cynthia Patag over false FB post about musician's death

IMAGE Facebook of Dulce, Jim Paredes, Cynthia Patag

Nakarating din sa atensiyon ng singer na si Dulce ang maling Facebook post ni Cynthia Patag tungkol sa kamatayan ng musikerong si Noli Asensio. Kaya naman kinondena niya si Cynthia, pati na si Jim Paredes kung saan galing daw sa asawa nito ang maling impormasyon.


Hindi pinalagpas ng beteranang singer na si Dulce Amor ang nagawang 'paglapastangan' diumano ng mga kasamahan niya sa industriya na sina Cynthia Patag at Jim Paredes sa sanhi ng kamatayan ng musikerong si Noel Asensio.

Matatatandaang nag-post si Cynthia sa Facebook noong October 15 na biktima diumano si Noel ng pinaigting na ‘war on drugs’ ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang impormasyong ito ay galing daw kay Lydia Paredes, misis ni Jim.

Read: Cynthia Patag, Jim Paredes in hot water for linking death of Iwi Laurel's husband to Duterte's war on drugs

“MAY GOD DEAL WITH YOU.” Nitong nakaraang Lunes, October 17, dalawang araw matapos kumalat ang FB post ni Cynthia, nagbahagi naman ng kanyang simpatiya si Dulce sa mag-inang Iwi Laurel at Nicole Asencio, asawa't anak ni Noel, sa pamamagitan ng Facebook.

Buwelta ni Dulce kina Cynthia at Jim: “Is this your desperate move to get noticed and be catapulted back to limelight?”

Ikinuwento rin ni Dulce ang masamang karanasan diumano niya kina Cynthia at Jim, kung saan sangkot din ang yumaong senadora na si Miriam Defensor-Santiago at ang yumaong singer na si Susan Fuentes.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Dulce:





Sa mga oras na ito, burado na ang naturang post ni Dulce.

Bukas naman ang PEP sa panig nina Cynthia at Jim tungkol dito/


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN