Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao together again, says report

IMAGE File photo

After five months of being separated, Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao have reconciled. That's based on the latest column of entertainment reporter Ricky Lo. 


Kumpirmado na nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao.

Ayon sa column ni Ricky Lo na “Funfare,” na nailathala sa Philippine Star ngayong araw, October 19, kinumpirma ito mismo ni Zsa Zsa sa kanya.

Ngunit hindi nagbigay ng anumang detalye ang tinaguriang Divine Diva.

Sa halip, sinabi lamang niya, “Long private story.”

Nang tanungin ni Ricky kung masasabing “forever” na ito, ang sagot daw ni Zsa Zsa, “God willing!”

Matatandaang noong May 2016 ay lumabas ang balitang hiwalay na ang engaged couple.

Katulad ngayon, parehong naging tahimik sina Zsa Zsa at Conrad sa kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ang tanging nasabi lang noon ng kilalang singer, “We tried. It didn't work out.”

Read: Zsa Zsa Padilla on breakup with Conrad Onglao: 'We tried. It didn't work out.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN