Kim Domingo is ready to face showbiz intrigues

IMAGE Noel Orsal

Kim Domingo on negative comments: "Hindi ako papasira sa kanila. Lagi lang akong positive sa buhay."


“Masaya. Flattered. Unexpected.”

Ito ang paulit-ulit na sinabi ni Kim Domingo nang tanungin siya tungkol sa kanyang pakiramdam sa pagiging 2017 calendar girl.

Ipinakilala ang 21-year-old Kapuso sexy star bilang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel nitong Miyerkules, October 19.

Aminado si Kim na marami pang mas kilala at mas sexy na artista na mas deserving para sa naturang titulo.

Kaya naman, aniya, sobra-sobra ang kanyang pasasalamat.

“Sa dami ng pinagpilian, ako 'yong napili.

“Siyempre, baguhan pa lang ako sa showbiz, mas maraming kasabay na pinagpilian na mas matagal na sa industriya.

“At saka, siyempre, hindi ko naman kino-consider ang sarili ko na ako ang pinaka-sexy ngayon.”

Kaya naman nang malaman niya ang tungkol dito, siniguro raw ng dating Juan Happy Love Story star na mapaghahandaan niya nang husto ang photo shoot para sa 2017 calendar.

Kwento niya, “Sobrang naging excited ako kaagad. Tinanong ko agad kung kailan ang shoot para makapag-ready ako.

Noong sinabi sa akin na ako ang napili, hindi pa ako nag-start mag-workout.

So, ang naging workout ko, umabot lang ng one month lang. Ganun kabilis.

Tinodo-todo ko sa gym, nag-diet.”

Diin pa niya, “Ayaw ko rin naman na may sabihin ang ibang tao.

Siyempre, ang mga makakahanay ko sina Marian Rivera, Solenn Heussaff, talagang nagseseksihan.”

Dahil sa sunud-sunod niyang proyekto, naiisip ba ni Kim na isa na siya sa mga baguhang artista na madaling sumikat ngayon?

Sagot ng Kapuso actress, “Parang sinasabi ng ibang tao, 'Wow, Kim, parang ang bilis naman.' Thankful lang ako.

Sana lang marami pang aabangan ang mga tao sa akin,” matipid na sagot ni Kim.

Watch: Ginebra San Miguel's Calendar Girl 2017, @therealkimdomingo!

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

READY FOR NEGATIVE COMMENTS. Hindi raw alintana ni Kim kung makatanggap siya ng mga negatibong comment lalo na ngayong itinanghal siyang bagong calendar girl.

Sabi ng Bubble Gang star, “Kahit naman po noong nasa modeling industry pa lang ako, marami na pong binabato sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman po maiiwasan 'yon.

Lalo na po ngayon, nag-showbiz ako, dadami ang taong nakakakita sa'yo, mas maraming tao ang maninira sa'yo.

Pero gaya ng sabi ko, dedma na lang.

Basta ako, focused ako sa goal ko, gusto kong patunayan na kahit anong bash n'yo, may talento ako.

Hinding-hindi rin daw siya magpapaapekto.

Aniya, “Hindi ako papasira sa kanila. Lagi lang akong positive sa buhay.”

WATCH: Kim Domingo's PBA wish.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

MUM ABOUT LOVE LIFE. Samantala, dahil naging sexy at daring ang mga pose ni Kim sa 2017 calendar, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang boyfriend.

Paiwas at natatawang sagot ni Kim, “Basta happy po ako, okay na 'yon.”

Muling inulit ng PEP ang tanong, matipid naman na sagot ng dalaga, “Happy po. Happy po lahat.”

Tinanong ng isa pang reporter kung may boyfriend ba siya ngayon, muling ngumiti si Kim, “Hindi ko dine-deny, hindi ko rin naman binubulgar.

Basta sa pansarili kong kasiyahan, happy ako.”

Matatandaang naibalita noon dito sa PEP na hiniling ni Kim sa kanyang basketball player boyfriend na si Mike Acuna na limitahan ang pagpo-post ng mga larawan nila sa social media.

Read: Kim Domingo tells boyfriend to limit social media posts about them

Ito kaya ang dahilan ng pagiging tikom ni Kim sa usaping lovelife?

Paiwas pa ring sagot niya sa huli, “Hindi naman po. Basta happy po ako.”

You're my Angel and come and save me.??????

A photo posted by michael acua (@therealmikeacuna) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN