Jake Cuenca confirms split with Sarah Grace Kelly: "Ayoko na."

IMAGE @juancarloscuenca on Instagram

Jake Cuenca shuts down possibility of reconciling with Sarah Grace Kelly, "No, hindi na talaga and I don't think she's coming back."


“Yeah, we broke up,” ang diretsahang pag-amin ng aktor na si Jake Cuenca tungkol sa estado ng relasyon nila ni Sara Grace Kelly.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal ang Kapamilya actor sa ginanap na presscon para sa pelikulang Mulat noong Martes, October 18.

Ayon kay Jake, nagkabalikan talaga sila ng American model. Pero sa ikalawang pagkakataon ay nagdesisyon silang tuluyang tuldukan ang kanilang relasyon.

Read: Jake Cuenca reconciles with Sara Grace Kelley

“Nagkabalikan naman kami for about three months. Sinabi ko naman, kahit noong nag-guest ako kay Tito Boy, we’re trying."

Matatandaang nag-guest si Jake sa late-night ABS-CBN show ni Boy Abunda na Tonight with Biy Abunda noong August 16.

“This is our second breakup and, I think, this is the final one.”

Noong unang breakup nila, tila hindi naging mahirap ang magkabalikan sila nang muling magkita. Hindi kaya sa ganito rin mauwi ang ikalawa nilang paghihiwalay?

“No, hindi na talaga, and I don’t think she’s coming back. I think she’s home,” sabi ni Jake.

“We still follow each other on Instagram, nakikita naman namin ang ginagawa namin.

“But right now, we’re not talking.”

IT DIDN'T WORK OUT.” Sinubukan naman daw nilang ayusin ang kanilang relasyon, pero talagang sa hiwalayan rin daw ito nauwi.

“Ayoko na. Sinubukan namin. I can say it didn’t work out,” sabi ni Jake.

“She will always have a special place in my heart. I know she feels the same way.

“But ano, e, conflict of interests.”

Inamin din ni Jake, “Distance is a big factor, yung malayo kami sa isa’t isa.

“Siguro, problema rin kapag nagkabalikan kayo, love is sweeter the second time around, until the issues [are] catching up with you again.

"Mahirap, mahirap, e. Sayang.”

Paano na ang sinabi niya noong nagkabalikan sila na hindi nila kayang wala ang isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, that’s what I thought din.

“Pero she has a reason, and I have to respect that,” sagot ni Jake.

Inamin ni Jake na ang ex-girlfriend ang nakipag-break sa kanya.

“Sa ngayon, I’m moving forward.

“Sabi nga, parang one thing I learned in life, kahit artista ka, kahit intact ka sa emotion mo, it's never good to sit on a problem.

“You always have to move forward, and take challenges to be better.”

Nilinaw naman ni Jake na wala pang kapalit sa puso niya ang ex-girlfriend.

Sa ngayon, trabaho lang daw talaga ang pinagbubuhusan niya ng panahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN