Matteo Guidicelli happy about intrigue-free relationship with Sarah Geronimo

IMAGE Nerisa Almo

Matteo Guidicelli on whaleshark watching adventure with girlfriend Sarah Geronimo: "Sarah really had a good time. Pinag-usapan namin yun, one of the destinations we really wanna go to."


Isa raw sa dream destination ng magkasintahang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang Oslob, Cebu, para sa whaleshark watching adventure.

“Astig, Sarah really had a good time. Pinag-usapan namin yun, one of the destinations we really wanna go to,” sabi ni Matteo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa kanya sa set ng Minute To Win It kahapon, October 19.

Ang naturang bakasyon ay bahagi ng selebrasyon ng ikatlong anibersaryo nina Sarah at Matteo bilang magkasintahan.

Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli adventurous in Cebu to mark third anniversary

Patuloy ng Kapamilya actor-singer, “Gusto kong ipakita kay Sarah ang Cebu, so ayun, nag-Cebu kami.

It’s the best, dapat subukan ninyo minsan.

Imagine mo, isang malaking isda na kasing laki ng bus sa tabi mo, tapos sobrang surreal.

Hindi ka niya hahawakan, kakainin o ano.”

The best. #butanding #oslob #cebu #myhome

A photo posted by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

Ayon kay Matteo, kuntento at masaya siya sa itinatakbo ng relasyon nila ng Pop Princess.

“Very masaya and very good. Intriga? Wala naman, wala naman,” matipid na sabi ng actor-singer.

CONCERT IN CEBU. Samantala, excited si Matteo sa kanyang 10th anniversary concert na gaganapin sa Cebu, na hometown ng aktor.

“Doon muna kasi taga-Cebu kasi ako. Nagsimula ako sa Cebu, so parang homecoming ko.

“I wanna give back to Cebu where I started.

“Sana madala namin dito next year,” sabi ni Matteo.

Siniguro naman niyang maraming dapat abangan sa kanyang concert na gaganapin sa Waterfront Cebu Hotel sa November 18.

“Basically it’s my 10 years, so lahat ng mga experiences ko, mga lumang kanta I grew up with... Basta good time, we gonna have good time.”

Kabilang sa mga celebrity guests ni Matteo sa kanyang Made in Cebu concert sina Martin Nievera, KZ Tandingan, at G-Force.

Bahagi rin ba sa sorpresa ang pagdating ng kanyang girlfriend na si Sarah?

“Hindi ko pa alam kung manonood siya, but of course she’s always invited,” nakangiting sabi ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN