Aicelle Santos 'crazy in love' with boyfriend Mark Zambrano

IMAGE Mark Zambrano's Instagram

Nagpalitan ng mensahe sa Instagram ang magkasintahang sina Aicelle Santos at Mark Zambrano sa pagdiriwang ng kanilang ika-anim na anibersaryo bilang magkasintahan.


Kalahating taon na pala ang relasyon ng Kapuso singer na si Aicelle Santos sa GMA News reporter na si Mark Zambrano.

Sa kanilang Instagram accounts ay nagpalitan ng sweet messages sina Aicelle at Mark o AiMark.

Nag-post ang tinaguriang Traffic Diva ng larawan nila ni Mark, kung saan makikitang karga-karga ni Aicelle ang boyfriend nang minsang magbakasyon sila sa isang beach resort.

Sa caption nito ay isinulat ni Aicelle: “Crazy in love with you for six months now! And it’s crazier and sweeter each day! I love you mahal ko @markzambrano! Beach trip soon?”



Sa kabilang banda, nag-post din si Mark ng larawan nilang dalawa, kung saam suot ni Aicelle ang costume ng devil doll na si Annabelle.

Caption naman ni Mark: “Happy sixth, my silly 'Annabelle!' Haha! I'll love you no matter what you wear! You are one of my greatest blessings! #AiMark6th”



Naging opisyal ang relasyon nina Aicelle at Mark noong nakaraang May pagkatapos nilang magkakilala sa pamamagitan ng social media.


Nauwi ito sa pagdi-date hanggang sa sagutin na ni Aicelle si Mark.


Four years na hindi nanligaw si Mark dahil na-heartbreak daw siya sa huli niyang girlfriend.


Si Aicelle naman ay naging maingat sa mga gustong ligawan siya dahil sa trust issues.


Pero napatunayan ni Mark ang kanyang pagmamahal kay Aicelle at umabot na nga sila sa kanilang ika-anim na monthsary.

Read: GMA News reporter Mark Zambrano waited four years for girlfriend Aicelle Santos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN