Cherie Gil walks out when asked about Andi Eigenmann's latest issue: "You ask Andi, it's her story to tell."

IMAGE Arniel C. Serato

Wala raw sa posisyon na magkomento ang beteranang aktres na si Cherie Gil tungkol sa isyung kinasasangkutan ng pamangking si Andi Eigenmann.


Aminado ang beteranang kontrabida na si Cherie Gil na malapit siya sa kanyang mga pamangkin, at isa sa mga ito ay si Andi Eigenmann.

Anak si Andi ng yumaong kuya ni Cherie na si Mark Gil.

Kaya naman, tungkol kay Andi ang isa sa aming itinanong sa kanya sa Project Hairshot Clinix x The Red Whistle’s Road to World AIDS Day 2016 event kahapon, October 20, sa Pineapple Lab, Makati City.

Matapos mapag-usapan ang kanyang pagiging supporter sa naturang event at ang mga bagong proyekto ni Cherie, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung aware siya sa isyung kinaharap ni Andi.

Matatandaang nitong Setyembre ay ibinunyag ni Max, isa ring pamangkin ni Cherie, kung sino ang totoong ama ni Ellie: ang long-time on and off boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito.

Nung narinig niya ang tanong, medyo nag-iba ang timpla ng mood ng beteranang aktres.

Sabi niya, “I am not in a position to [react to] this, and I think it’s quite insulting that you asked me this.

"You ask Andi, it’s her story to tell.”

Matapos nito ay tinalikuran na ni Cherie ang writer na ito, at ang dalawang TV news crew na nag-interview sa kanya.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN