Jessy Mendiola and Luis Manzano seen together for the first time at Star Magic Ball 2016

IMAGE Anj Sampayan

Jessy Mendiola and Luis Manzano's first public appearance together at Star Magic Ball 2016.


Magka-date sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Star Magic Ball 2016 na kasalukuyang ginaganap ngayong gabi, October 22, sa Shangri-La Hotel, Makati City.

Ito ang kauna-unahang public event na pupuntahan nina Jessy at Luis simula nang mapabalitang nagde-date sila noong July.

Jessy Mendiola and Luis Manzano arrive together at #StarMagicBall2016!

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Unang sinabi ni Jessy na sila ang magka-date ni Luis sa Star Magic Ball sa panayam sa kanya ng TV Patrol na inere noong October 17.

Sabi niya, “Yes, ready na daw yung suit niya, mas ready pa siya sa akin. Akala mo naman siya yung Star Magic!”

Ito rin ang unang beses na may makakasama si Jessy sa ball, na madalas ay rumarampang mag-isa sa red carpet.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na a-attend ng Star Magic Ball si Luis, kahit pa na hindi siya Star Magic talent.

Noong 2009 rin ay um-attend siya sa nasabing ball kasama ang ex-girlfriend na ngayong si Angel Locsin.

Sa huling panayam kay Jessy sa Tonight With Boy Abunda, hindi niya diretsahang inamin kung ano ang namamagitan sa kanila ni Luis ngayon.

Aniya, "Ang hirap. Nakikita naman kami ng mga tao, so ulitin ko na lang yung [nasabi ko na dati], what you see is what you get.”

Subalit nang tanungin siya kung magpapakasal ba siya kay Luis, sinagot niyang, "Yes."

Read: Jessy Mendiola says "yes" to marrying Luis Manzano


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN