PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "I've never denied it."

IMAGE Allan Sancon

Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "Actually, it's very relieving na ngayon napag-uusapan ko na siya very openly. I mean, hindi naman deserve ni Ellie na, you know, na itago. Never ko naman siyang ikinahiya, e."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay tahasang inamin ni Jake Ejercito na siya nga ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa kanyang pagkapanalo bilang Best New Male TV Personality sa Star Awards for Music and Television kagabi, October 23, isa sa mga natatanging pangalang binanggit at pinag-alayan ni Jake ng kanyang award ay si Ellie.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ni Jake ang mga katagang “to my number one inspiration, my princess, my Ellie… this is for you.”

Read: Jake Ejercito dedicates first acting award to daughter Ellie

Nanalo si Jake para sa kanyang pagganap sa Lenten special ng Eat Bulaga! na God Gave Me You, na pinagbidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, sa backstage ng Monet Ballroom ng Novotel Hotel, tinanong namin ang kanyang nararamdaman pagkatapos banggitin ang pangalan ni Ellie sa speech niya.

Saad ng reluctant actor, “Actually, it’s very relieving na ngayon napag-uusapan ko na siya very openly.

“I mean, hindi naman deserve ni Ellie na, you know, na itago.

“Never ko naman siyang ikinahiya, e.”

Matatandaang pumutok ang balitang si Jake ang tunay na ama ng anak ni Andi nang isiwalat ng half-sister ng aktres na si Max Eigenmann, sa podcast ng Good Times With Mo, na nagkaroon diumano ng DNA test.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Kung hindi nagsalita si Max, posible kayang tumagal pa bago siya maging open sa kung ano talaga ang koneksiyon niya kay Ellie?

Mabilis na sagot ni Jake, “You know what, honestly, I wouldn’t know.

“Kasi ako naman, I’ve never denied it naman, e. Never pinpointed on anyone.

“All I wanted is to protect Ellie. Kasi ayoko talagang pag-usapan.”

Diretsahang inamin ni Jake sa PEP na kadugo niya talaga si Ellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yeah. Never ko namang idinenay, e.

“Siguro yung mga times I didn’t answer directly or straightforwardly, it’s all because I was trying to protect Ellie.

“Kasi, di ba, ang daming parties involved, e.”

Kailan niya nalamang anak nga niya si Ellie?

“Mga ano na... a year ago,” sagot ni Jake.

Inamin din ni Jake na dumaan sa DNA test ang pagkumpirma sa pagiging mag-ama nila ni Ellie.

“DNA, yes,” sambit niya.

LUKSO NG DUGO. Iginiit ni Jake na matagal na siyang nagpu-post sa Instagram ng mga larawan nila ni Ellie na magkasama, bago pa man pumutok ang balitang siya ang ama nito.

“Actually, even before I found out, nagpu-post na ako,” sabi niya.

Bago niya nalaman ang totoo, nakaramdam ba siya lukso ng dugo kapag nakikita at nakakasama niya si Ellie?

Saad ni Jake, “Let’s put this way, when I found out, nagulat ako.

“I was really surprised. But I’m happy and I have no regrets.

“Since her conception, nasa tiyan pa lang siya ni Andi, I was there.

“I’ve been there ever since.”

Nagkaroon daw ng bagong pananaw sa buhay si Jake dahil sa anak.

“Siyempre, mas motivated ako ngayon.

“Life has a whole new meaning. Mas responsible rin in a way.”

RELATIONSHIP WITH ANDI. Hindi naman itinanggi ni Jake na hindi maayos ang relasyon nila ngayon ng ina ni Ellie na si Andi.

“Actually, medyo ano pa rin, magulo… but I am happy.

“Pero I wish na sana mas nakikita ko pa [si Ellie].”

Tumangging magbigay ng detalye si Jake sa kanyang sinabi na inaasam niyang mas makita pa si Ellie.

“Yun na lang… let’s leave it that way.”

Ngayong open na siya tungkol sa pagiging tunay na ama ni Ellie, dapat na rin bang magsalita si Andi tungkol dito?

Sagot ni Jake, “I really can’t give unsolicited advice it. It’s up to her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin niyang hindi na sila nagkabalikan ni Andi.

“We’ve broken up two or three years ago pa.

“We don’t see each other. Hindi kami nagkikita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN