Jake Ejercito will not apologize to Albie Casiño: "I wasn't the one who dragged him to the issue."

IMAGE Noel Orsal / Eat Bulaga Facebook

Wala raw dapat ihingi ng tawad si Jake Ejercito (kanan) kay Albie Casiño (kaliwa) kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan ng huli sa paternity issue ng anak ni Andi Eigenmann. Pahayag ni Jake, "Personally, I didn't pinpoint on anyone. So I don't see a need… me, personally, to apologize. Never ko rin naman inaway si Albie or anything."


Para kay Jake Ejercito, wala siyang dapat ihingi ng tawad kay Albie Casino kaugnay ng pagkakalantad na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Parehong naugnay sina Jake at Albie kay Andi bago nabuntis ang Kapamilya actress.

Ngunit si Albie ang itinuro noon ni Andi na ama diumano ng kanyang dinadala.

Read: Andi Eigenmann names Albie Casino as the father of her child

Ngunit pagkalipas ng limang taon ay lumabas na ang katotohanang si Jake pala ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Inamin ito ni Jake sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang dumalo siya sa Star Awards for Music and Television ng PMPC nitong Linggo ng gabi, October 23.

Read: PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "I've never denied it."

Ngayong absuwelto na sa isyu si Albie, wala raw magiging hakbang si Jake para kausapin ang Kapamilya actor o humingi ng paumanhin dito.

Paliwanag niya, “The thing is I wasn’t the one who dragged him to the issue.

“Actually, ang family ni Albie are very close friends with my dad [Manila Mayor Joseph Estrada], ang mga Casino.

“The thing nga, personally, I didn’t pinpoint on anyone.

“So I don’t see a need… me, personally, to apologize.

“Never ko rin naman inaway si Albie or anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN