Gerald Anderson on working with ex-GF Kim Chiu: "This is a very special moment for me."

IMAGE Noel Orsal

"Huwag natin pangunahan yung future kasi hindi talaga natin alam kung anong mangyayari sa future. Ang importante is live the moment and be grateful sa merong blessings kami ngayon," said Gerald Anderson when asked if it's possible for him to develop romantic feelings for Kim Chiu while doing their reunion project. 


Inamin ni Gerald Anderson na halu-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang una niyang malaman na magbabalik-tambalan sila ng ex-girlfriend na si Kim Chiu.

Sabi ng 27-year-old Kapamilya actor, “Actually, as we speak, hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko.

“This moment is very special for me.

“The last time na katabi ko siya sa ganitong event, 21 o 22 years old ako.”

Ayon kay Gerald, malaki ang pasasalamat niya na nabigyan sila ni Kim ng pagkakataong magkatrabaho muli.

Lalo pa’t sabay silang sumabak sa showbiz pagkatapos nilang sumali sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006.

“Ako naman, lagi akong optimistic, e.

“At lagi naman ako umaasa [na magkakatrabaho kami ulit] kasi sabay naman kami nagsimula, e…

“Ten years later, nandito pa rin kami…

“Thankful ako sa lahat ng fans na nandito pa rin para sa amin. And siguro this is our gift para sa kanila.”

Nakapanayam ng piling entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sina Kim at Gerald sa presscon ng bagong ABS-CBN primetime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ginanap ito sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, Lunes ng gabi, October 24.

Dito ay hindi maiwasang tanungin si Gerald kung posibleng manumbalik ang maganda nilang pagtitinginan ni Kim.

Sagot niya, “Huwag natin pangunahan yung future kasi hindi talaga natin alam kung anong mangyayari sa future.

“Ang importante is live the moment and be grateful sa merong blessings kami ngayon.”

Excited din daw ang binata na muling masaksihan ang dedikasyon ni Kim sa trabaho.

Balik-tanaw ni Gerald, "Kasi sobrang mahal talaga niya yung trabaho niya...

“Minsan mas masaya pa siya sa taping kaysa sa nasa labas.

“Yun talaga ang outlet niya, kapag nagsu-shooting kami...

“I'm pretty sure na ganun pa rin siya, kasi kita sa trabaho niya ngayon, sa craft niya."

BREAKUP IN 2010. Matatandaang noong 2010, natuldukan ang apat na taong tambalan nina Kim at Gerald matapos gawin ang pelikulang Till My Heartaches End.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nito ang kontrobersiya na hiwalay na sila bilang magkasintahan, at matutuldukan na rin ang kanilang apat na taong tambalan.

Sa presscon ng naturang pelikula noong October 12, 2010, naging emosyunal si Gerald nang aminin niyang may pinagdaanan silang problema ni Kim.

Sabi ni Gerald, “Yun lang po yung masakit dun.

“Ang dami kong ibinigay sa kanyang problema, heartaches... pero tinanggap pa rin niya ako.

“Masakit kasi alam ko kahit kailan, kahit anong gagawin ko, hindi ko mapapantayan lahat ng ginawa niya para sa akin.”

Read: Gerald Anderson breaks down at the presscon of his movie with Kim Chiu

Nasundan ito ng balitang matapos ang hiwalayan nina Kim at Gerald ay nagkaroon ng relasyon ang aktor kay Bea Alonzo.

Ngunit hindi ito nagtagal dahil sa pagtutol ng Kimerald (Kim and Gerald) fans at ng ibang mga taong nakapaligid sa magkasintahan.

Read: FIRST READ ON PEP: Gerald Anderson breaks up with Bea Alonzo in London

BEA-GERALD STARTING AFRESH. Ngunit nagsimulang magkamabutihan muli sina Gerald at Bea matapos nilang magtambal sa pelikulang How To Be Yours noong Hulyo.

Read: Bea Alonzo celebrates 29th birthday with Gerald Anderson

Sa presscon kagabi, tumanggi si Gerald na pag-usapan ang estado ng relasyon nila ni Bea ngayon.

Pakiusap ng Kapamilya actor, “Huwag na tayo mag-mention ng wala dito…”

Sa parte ni Kim, iginiit niyang tapos na kung ano man ang isyung kinasangkutan nila ni Gerald noon.

Sabi niya, “Masaya naman po kami sa personal; masaya po siya, masaya po ako...

“Actors po kami, professional naman po kami, we're doing this for ten years na.”

Read: Kim Chiu admits hesitation in working again with ex-boyfriend Gerald Anderson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN