Mocha Uson unperturbed by criticisms: "Tuluy-tuloy lang tayo mga ka-DDS."

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw titigil si Mocha Uson sa pagpapalaganap ng magagandang balita tungkol sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sabi ng singer-dancer, "Patuloy tayong magbantay hanggang hindi natin nakikita ang TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bansa para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon."


Hindi nagpapatinag ang singer-dancer turned political blogger na si Mocha Uson kahit pinuputakti siya ng kabi-kabilang batikos sa social media.

Nagsimula ito nang ginawa niyang personal na adbokasiya ang pagbabalita sa kanyang Facebook account, ang Mocha Uson Blog, ng mga plano at proyekto ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan ang bangayan sa pagitan niya at pamunuan ng official gazette ng Ateneo de Manila University dahil sa ginawa nilang lampoon issue tampok si Mocha.

Read: Mocha Uson, Ateneo scribes tangle on Facebook

Kahapon, October 24, isang petition sa www.change.org ang inihain upang suspendihin ng Facebook ang kanyang account na Mocha Uson Blog.

Read: Mocha Uson to petitioners against her FB blog: "You cannot take away my voice."

Sinundan naman ito ng isang counter-petition ng isang supporter ni Mocha, na naniniwalang ang blog ng singer-dancer ang daan upang mapaabot sa mga karaniwang tao ang mga balitang positibo tungkol sa administrasyong Duterte na hindi raw naibabalita sa mainstream media.

Read: Mocha Uson supporter creates counter-petition against anti-Mocha blog petitioners

“BOSES NG TAO.” Ngayong Martes ng hapon, October 25, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mocha sa pamamagitan ng telepono.

Nasa Cavite raw siya at ang kanyang grupo para sa isang event.

Inusisa namin si Mocha kung ano ang saloobin niya sa kanyang mga kritiko, lalo na ang mga nasa likod ng petition upang suspendihin ang kanyang Facebook account.

Pahayag niya, “Hindi naman talaga ako ang pinatatahimik nila.

“Ang pinatatahimik nila ay yung mga supporters ni Duterte, yung mga ordinaryong tao.

“Dahil yung Mocha Uson Blog, e, boses ng tao yun, ng Duterte supporters.

“At yung mga Duterte supporters ay karamihan diyan ay mahihirap at ordinaryong tao ‘yan.

“Kaya kung pinasu-suspend nila yung page ng Mocha Uson Blog, hindi lang ako yung pinatatahimik nila, kundi yung mga ordinaryong tao na ngayon lang nagkakaboses.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya raw mismo ang nagpu-post at nag-i-screen ng mga mensahe sa kanyang account.

Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya dahil patuloy pa rin naman ang kanyang pagpi-perform sa iba't ibang gigs?

Tugon ni Mocha, “Siyempre napapagod, kaya lang ano, e, ginagawa ko kasi ito para sa pamangkin ko.

“May pamangkin ako, e, na 10 years old, 12 years old, na katulad din nung mga magulang, ginagawa nila yung pakikialam sa pulitika para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“Kasi kung hindi magsasalita ang taong-bayan ay magiging sunud-sunuran lang tayo sa mga may boses sa lipunan, yung mga oligarchs at mga elitista.

“Pero dahil nagsasalita ang taong-bayan, e, nailuklok si Pangulong Duterte, at siya ang tagapagtanggol ng mga mahihirap.”

Sa ngayon, tuluy-tuloy lang daw ang kanyang panghihikayat ng volunteerism sa supporters upang maipalaganap ang mga magandang nagagawa ni Pangulong Duterte sa kani-kanilang mga lugar.

FREEDOM OF SPEECH AGAINST CYBERBULLYING. Ilang araw na ang nakalilipas, pinasaringan ni Mocha ang isang news website at isang national daily.

Katunayan, may mga post siya sa kanyang account ng dahilan diumano kung bakit nagagalit sa kanya ang mga naturang mainstream media.

Depensa ni Mocha, “Sila naman ang unang nag-away sa akin, hindi ako.

“Tinawag nilang robots ang mga Duterte supporters porke’t malakas yung engagement nung Mocha Uson Blog.

“Sila ang unang nang-away. Sila yun. Hindi ko naman sila inaway, e.

“Nag-react yung mga supporters na, ‘Bakit pag kayo, kapag inaway niyo kami, freedom of speech. Pag nag-respond ang supporters, pag nagalit kami sa pang-aapi ninyo, ang tawag nun cyberbullying. Parang unfair naman.'”

“TUNAY NA PAGBABAGO.” Ayon kay Mocha, wala siyang balak bumigay sa mga taong ang nais lamang ay patahimikin siya.

Mensahe pa ni Mocha sa mga katulad niyang diehard Duterte supporters (DDS), “Tuluy-tuloy lang tayo mga ka-DDS.

“Sa bawat negatibo na ibinabato sa atin, suklian natin ng positibong aksiyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-volunteer po tayo na tumulong sa ating gobyerno.

“Makialam tayo sa pulitika hanggang marinig ang bawat hinaing nating mga ordinaryong Pilipino dahil may Pangulo na tayo na magtatanggol sa atin.

“Patuloy tayong magbantay hanggang hindi natin nakikita ang TUNAY NA PAGBABAGO sa ating bansa para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN