Maja Salvador on Kimerald reunion: "Ang sayang tingnan na parang lahat ay nag-grow... lahat ay nag-heal na."

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador on reunion of Kimerald: "Masaya ako kasi parang ang sayang tingnan na parang lahat ay nag-grow. Parang lahat ay nag-heal na."


Masaya si Maja Salvador sa muling pagsasama nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa press conference ng upcoming concert niyang Only Maja ngayong Martes, October 25, hindi naiwasang tanungin ang Kapamilya actress-singer tungkol sa muling pagtatambal nina Kim at Gerald o mas kilala bilang Kimerald loveteam.

Ito ay dahil sa kaugnayan niya sa kapwa ABS-CBN stars — si Kim ay malapit na kaibigan ni Maja sa showbiz, habang si Gerald naman ay parehong naging ex-boyfriend ng dalawang aktres,

Ayon kay Maja, “Masaya ako kasi parang ang sayang tingnan na parang lahat ay nag-grow. Parang lahat ay nag-heal na.”

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Maja at Kim dahil sa pareho nilang pagkakaugnay kay Gerald.

Sa pagkakataong daw ito, nakita ni Maja ang malaking pagbabago kay Kim.

Pahayag ng 28-year-old Kapamilya star, “Nakita natin lahat ng sakit na pinagdaanan niya.

But now, sobrang woman na siya.

She's accepting lahat ng challenges at wala na siyang paki kung may mang-bash sa kanya or what.

Napaka-professional niyang tao and I'm very happy sa kung anong klaseng babae ngayon si Kim — sobrang strong niya ngayon, paganda rin siya nang paganda.”

Read: Kim Chiu admits hesitation in working again with ex-boyfriend Gerald Anderson

Kung sakali, papayag din ba si Maja na muling makatrabaho si Gerald kasama si Kim sa isang proyekto?

Sagot niya, “Kung maganda po ang story, bakit hindi?

Lagi nga po naming sinasabi na trabaho is trabaho.

At saka ang liit lang ng mundo namin, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami.

“Yung mga ayaw naming makatrabaho, makakatrabaho namin.

“Yung mga hindi pa dapat namin makakatrabaho, makakatrabaho na namin.”

Diin pa ni Maja, “Ang daming puwedeng mangyari sa industriya namin.

At no choice kami kasi ang liit lang ng mundo namin.

“At saka isa lang naman ang gusto naming lahat, ang makagawa ng isang magandang proyekto, isang magandang pelikula, isang magandang teleserye, para mapasaya namin kayong lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinabi ni Maja na natutuwa siya at nagbigay ng pagkakataon ang ABS-CBN na muling pagsamahin sina Kim at Gerald para sa ikasasaya ng kanilang mga tagahanga.

Aniya, “For sure, yung Kimerald fans, sobrang masaya kasi, di ba, six years?

Ang galing din ng ABS-CBN kasi, hangga't kaya, pinagbibigyan nila ang mga supporters, ang mga fans, para maging happy naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN