Maja Salvador happy for ex-boyfriend Gerald Anderson and friend Bea Alonzo

IMAGE Noel Orsal (main) Mark Atienza (inset)

Maja Salvador on Bea Alonzo's rumored relationship with Gerald Anderson: "Wala ako sa posisyon na hadlangan ang kaligayahan ng isang tao."


Iginiit ni Maja Salvador na matagal na siyang nakapag-move on mula sa paghihhiwalay nila ni Gerald Anderson.

“Makikita niyo naman sa mukha ko kung hindi pa ako nakapag-move on.

“Sobrang naka-move on na ako.

“Sabi ko nga noon, once I'm done, I'm done. Parang yun ako, e,” sabi ni Maja sa press conference ng upcoming concert niyang Only Maja ngayong Martes, October 25.

Gayunman, hindi maitatangging tila hindi na katulad ng dati ang pakikitungo niya ngayon sa kapwa Star Magic talent.

Ayon kay Maja, “civil” siya ngayon pagdating kay Gerald.

“Hindi ko siya ini-snub or ano... respeto, kasi pareho kaming nasa iisang network.

Siyempre, parehas kaming may magandang past relationship.

Maganda naman yung pinagsamahan namin, wala naman akong nire-regret sa lahat ng nangyari sa akin or sa past na pangyayari sa buhay ko.

At saka, yun nga, positive lang, gusto ko masaya.

Now, nakikita ko na he's happy, bakit di na lang tayo maging happy for everyone?”

HAPPY FOR BEA. Natanong din si Maja tungkol sa pagkakamabutihan muli nina Gerald at Bea Alonzo, na kilalang malapit niyang kaibigan sa showbiz.

Read: Bea Alonzo and Gerald Anderson arrived together at Star Magic Ball 2016

Ang reaksiyon ni Maja, “If Bea is happy... sinagot ko na yun.

“Wala ako sa posisyon na hadlangan ang kaligayahan ng isang tao.

Basta ako, kung happy si Bea, I'm happy.”

Paglilinaw pa niya, “Sinabi ko na na special siya sa akin, like Kim [Chiu].

Alam ko, mahirap man intindihin sa inyo, pero hindi yun mahirap intindihin ng puso ko.

Once na may minahal akong tao at babae pa siya, hindi yun masisira o di yun kailanman magbabago, lalo na kung naging espesyal at naging maganda talaga ang parte niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN