Bea Alonzo and Gerald Anderson arrived together at Star Magic Ball 2016

IMAGE Anj Sampayan

Bea Alonzo and Gerald Anderson arrived together at the red carpet of Star Magic Ball 2016!


Magkasamang dumating sina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa red carpet ng Star Magic Ball 2016 ngayong gabi, October 22, sa Shangri-La Hotel, Makati City.

Sabay na dumating ang dalawa ng mga bandang 8:50 ng gabi sa red carpet ng taunang prestigious event ng mga talents ng Star Magic.


Hindi na rin kagulat-gulat na sila ang magka-date sa nasabing ball dahil madalas na rin silang namamataang magkasamang lumalabas.

Sa katunayan, kasama ni Bea na nag-celebrate ng kanyang 29th birthday noong October 16 si Gerald.

Read: Bea Alonzo celebrates 29th birthday with Gerald Anderson

Matatandaan namang noong 2010 sa fourth Star Magic Ball ay lumikha ng ingay sina Bea at Gerald.

Sa red carpet, magkasamang dumating sina Gerald at ex-girlfriend na si Kim Chiu, habang kasama naman ni Bea ang noo’y kaibigang si Zanjoe Marudo, na kanya nang ex-boyfriend ngayon.

Subalit nang matapos ang ball ay namataang magkasamang umalis sina Bea at Gerald.

Nobyembre naman ng taon ding iyon ay pumutok ang balitang nag-break na ang dalawa sa London, kahit na wala silang tuwirang pag-amin bago ang kanilang breakup na magkasintahan nga sila.

Read: FIRST READ ON PEP: Gerald Anderson breaks up with Bea Alonzo in London

Noong 2011 naman ay napabalitang nag-iwasan ang dalawa sa 5th Star Magic Ball, subalit pinabulaanan ito ni Bea at sinabing nagbatian sila at nag-'Hi' sa isa’t isa noong magkita sila.

Read: Bea Alonzo denies avoiding Gerald Anderson at Star Magic Ball

April 2016 unang lumabas ang balitang magtatambal sa unang pagkakataon sina Bea at Gerald para sa pelikulang How To Be Yours, na ipinalabas naman noong July.

Sa interview kina Bea at Gerald ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Agosto, sinabi ng dalawa na nag-e-enjoy sila sa company ng isa’t isa at pareho silang open kung sakaling magiging silang dalawa muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Bea Alonzo, Gerald Anderson falling for each other anew?

Nitong Setyembre naman ay inamin ni Bea na lumalabas sila ni Gerald kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Saad pa ni Bea, hindi naman daw sila nagtatago ni Gerald.

Read: Bea Alonzo admits going out with Gerald Anderson: "Hindi naman kami nagtatago."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN