Netizen's petition to suspend Mocha Uson's Facebook blog boomeranged

IMAGE Mocha Uson blog

A netizen who started a petition to suspend Mocha Uson's Facebook account is now requesting Facebook to reactivate his account after it was suspended.


Matapos maglabas ng petisyon ang netizen na si Paul Quilet na suspendihin ang Facebook account ng performer/blogger na si Mocha Uson, ang mismong Facebook account ni Quilet ang sinuspinde ng Facebook.

Ini-report ng mga kapwa avid Duterte supporters ni Mocha ang account ni Quilet sa naturang social networking site dahil sa inilunsad nitong petition laban sa lider ng grupong Mocha Girls, dahilan upang ang account ng netizen ang suspendihin.

Nag-update si Quilet sa kanyang change.org petition kung saan hiniling niyang ma-reactivate ang kanyang Facebook account, ayon sa ulat ng Inquirer.net.

Sabi ni Quilet: “My Facebook account has been reported. I have requested Facebook to have it reactivated ASAP.”

Sinimulan ni Quilet ang petisyon niyang “Suspend Mocha Uson Blog Facebook Page” sa layong matanggal ang “social media page which promotes lies and hate-mongering online,” bilang pagtukoy sa account ni Mocha na mayroon nang 4 million followers.

Saad ni Quilet sa kanyang petisyon, “I have never seen someone divide our country so much since the time of Marcos. The only thing necessary for the triumph of evil is for good men to do nothing.”

Nitong Lunes, October 24, nag-post si Mocha ng kanyang reaksiyon sa inilunsad na petisyon ni Quilet.

Dito ay sinabi niyang hindi kayang tanggalin ang kanyang karapatan na maging boses ng masa.

Read: Mocha Uson to petitioners against her FB blog: "You cannot take away my voice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN