Aljur Abrenica and Luis Manzano test negative for drugs

IMAGE Instagram (@ajabrenica)/ Noel Orsal (Luis)

Ipinost ni Aljur Abrenica ang resulta ng kanyang drug test. Muli ring nag-post ng resulta ng panibagong drug test si Luis Manzano. Parehong negatibo ang resulta ng mga drug test nila.


Ipinost ni Aljur Abrenica sa Instagram ang resulta ng kanyang drug test ngayong tanghali ng Miyerkules, October 26.

Negatibo ang drug test kay Aljur, base sa ipinost niyang resulta.

Ayon sa aktor, ang pagpapa-drug test niya ay pagpapakita ng suporta sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon na magkaroon ng 'drug-free Philippines.'

Dagdag pa ni Aljur, “I'm proud to be high on life not on drugs.”

This is to signify my support for a Drug-Free Philippines. I'm proud to be high on life not on drugs.

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

LUIS POST NEGATIVE DRUG TEST ANEW. Samantala, nag-post naman si Luis Manzano ng panibong resulta ng drug-test gamit naman ang hair sample.

Una nang sumailalim ng drug test ang Kapamilya TV host-actor sa pamamagitan ng urine test.

Read: Luis Manzano reveals reason for posting result of drug test

Lumabas na negatibo uli ang kanyang drug test na ipinost din niya sa social media.

Sa caption, sinabi ni Luis na may mga taong hindi kumbinsido sa unang drug test na ginawa niya dahil hindi raw accurate ang urine test.

Kaya naman nagpa-drug test muli ang Minute To Win It host sa pamamagitan ng hair test na mas accurate umano.

Negatibo rin ang resulta ng test.

Lumabas naman ang ulat ngayong linggo na isinumite na ni Philippine National Police Chief Director Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga artistang may kinalaman umano sa ilegal na droga.

Read: 30 celebs on drug watchlist submitted to Malacanang, says PNP chief

Hinihintay pa raw ang pasya ng Pangulo kung isasapubliko ang listahang ito o hindi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN