Mark Herras tests negative for drugs

IMAGE Noel Orsal (left)

Mark Herras also posted on his Instagram account his drug test, which had a negative result. 


Negatibo ang resulta ng isinagawang drug test kay Mark Herras.

Ipinost ng Kapuso actor-dancer ang resulta ng kanyang drug test sa Instagram nitong Miyerkules, October 26.

Sa comments section, kabilang sa mga pumuri kay Mark ay ang mga kaibigang sina Yasmien Kurdi, Enzo Pineda at ang Soul Diva na si Jaya.

???????? #negative

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

Nagpakita rin ng suporta ang girlfriend ng Kapuso actor na si Winwyn Marquez sa pamamagitan ng pagtu-tweet ng Instagram post ni Mark.

Samantala, kamakailan din ay nag-post ng resulta ng kanyang drug test si Aljur Abrenica.

Maging ang panibagong drug test ni Luis Manzano sa pamamagitan ng hair sample na diumano’y mas accurate upang matukoy kung negatibo ba sa drugs ang isang tao.

READ: Aljur Abrenica and Luis Manzano test negative for drugs

Marami na ring artista ang sumailalim sa drug test; kagaya nina Anne Curtis, James Reid, Jake Cuenca, Dennis Trillo, at Solenn Heussaff upang ipakita ang kanilang suporta sa kampanya ng Duterte administration laban sa ipinagbabawal na gamot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN