Jerika Ejercito claims ex-boyfriend Bernard Palanca has not visited their son for months now

IMAGE @jerikaejercito Instagram

Jerika Ejercito on zero communication with ex-boyfriend Bernard Palanca: "Communication? Unfortunately, not at the moment. Not as much as what I'd like for him too. He can see Isaiah anytime. Maybe he's busy, I'm not sure. Baka alam ninyo kung nasaan siya."


Consistent si Jerika Ejercito sa pagsasabing malabong magkabalikan pa sila ng ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila ng two-year-old son na si Isaiah Joseph Ejercito Palanca.

Ayon kay Jerika, nakaramdam siya ng pagsisisi dahil umabot pa sa social media ang away nila ng dating live-in partner.

“Yeah, it was a misunderstanding that I hope was kept between the two of us.

“Ganun naman talaga, e, hindi maiiwasan. But at least it ended there, wala na.”

Noong nakaraang Hunyo, nagpalitan ng maaanghang na salita sina Jerika at Bernard matapos isapubliko ng huli ang tungkol sa kanilang hiwalayan.

Mariin naming itinanggi ni Jerika na third party ang dahilan kung bakit niya hiniwalayan si Bernard.

Read: Bernard Palanca on breakup with Jerika Ejercito: "She replaced me."

Sa kabila nito, bukas pa rin daw si Jerika na maging magkaibigan sila ni Bernard pagdating ng tamang panahon.

“Of course, he will always be gonna be the father of my son.

“Eventually, I hope in the future we would get past this phase at the moment, which is understandable naman.

“I guess it’s just too soon [for us] to be friends.”

Huling nakitang magkasama sina Jerika at Bernard sa birthday party ng kanilang anak noong Mayo.

Ayon kay Jerika, ilang buwan nang hindi bumibisita si Bernard sa kanilang anak.

“Communication? Unfortunately, not at the moment. Not as much as what I’d like for him too.

“He can see Isaiah anytime. Maybe he’s busy, I’m not sure. Baka alam ninyo kung nasaan siya.”

Nang tanungin kung may financial support ba na ibinibigay si Bernard sa kanilang anak, umiwas nang magkomento si Jerika tungkol dito.

“Secret na ‘yun. It’s hard, e. Is he a good father? He was, and I know he can still do better.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerika sa Star Awards for Music and Television noong Linggo, October 23, sa Novotel Hotel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinamahan nila ng kanyang ina na si Laarni Enriquez ang kapatid na si Jake Ejercito, na nanalong Best New Male TV Personality.

FRIENDSHIP WITH MERYLL. Samantala, kapansin-pansing naging malapit na kaibigan ni Jerika ang ex-wife ni Bernard na si Meryll Soriano.

Hindi kaila sa publiko na madalas mag-bonding sina Jerika at Meryll kasama ng kanilang mga anak.

Si Meryll at Bernard ay may nine-year-old son na si Elijah.

Pahayag ni Jerika tungkol sa pagkakaibigan nila ni Meryll, “Yes, we’re very okay. She’s one of my bestest friends.

“We agreed to raised our children as brothers right from the beginning.

“Just this [Sunday] afternoon, he [Elijah] spent the weekend with us.”

JERIKA'S FOREIGNER BOYFRIEND. Sa huli, tinanong din si Jerika tungkol sa estado ng relasyon niya at non-showbiz boyfriend niyang si Miquel Aguilar.

Kasama ni Jerika sa Star Awards event ang foreigner boyfriend nito.

May plano na ba silang magpakasal?

Sagot ni Jerika, “In the near future, I hope.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN