Allen Dizon feels sorry for fellow celebrities involved in illegal drugs

IMAGE Noel Orsal

Allen Dizon on fellow celebrities using illegal drugs: "Naaawa ako sa kanila. Dating artista, kilala sila, maayos ang buhay dati. Tapos nagkaroon ng ganyan, nag-drugs, napabayaan yung pamilya, may mga anak pa."


Ikinalungkot daw ni Allen Dizon ang sinapit ng dating sexy star si Sabrina M., na naaresto noong Setyembre sa isang buy-bust operation dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Read: (UPDATED) Former sexy star Sabrina M arrested in buy-bust operation

Kasabayan ni Allen si Sabrina M. noong uso pa ang sexy movies nung '90s.

Hindi raw maiwasan ni Allen na maawa sa mga artistang nalululong sa masamang bisyo.

“Naaawa ako sa kanila. Dating artista, kilala sila, maayos ang buhay dati.

“Tapos nagkaroon ng ganyan, nag-drugs, napabayaan yung pamilya, may mga anak pa.”

Dugtong niya, “Wala tayong magagawa, kailangan ipagdasal na lang natin.”

Natanong din si Allen kung sinubukan niya ang illegal drugs.

Sagot niya, “Ako, never akong tumikim.

“Kasi takot ako sa family ko, takot ako nung time na yun dahil taga-Pampanga ako, probinsyano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa presscon ng indie movie na Area kahapon, October 26.

Nakamit ng nasabing pelikula, na pinangungunahan ni Ai-Ai delas Alas at idinirek ni Louie Ignacio, ang Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival. Ipalalabas ito sa November 9.

REASONS FOR USING DRUGS. Inusisa ng PEP si Allen kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit nagda-drugs ang mga kapwa niya artista, lalo na noong kasagsagan ng sexy movies.

Sagot ng award-winning actor, “Siguro dahil hindi sila nagtagumpay kung anong gusto nilang gawin, sa frustration nila.

“Tapos may mga maling tao sa paligid nila, sa environment, mali yung mga taong nakasama.”

Dagdag niya, “Para sa akin, nung kasing time na yun, parang ang trabaho nun, ang pelikula noon talagang 24 hours.

“Siguro hindi nila kaya yung puyat, siguro yun ang ginagawa nila para di sila makatulog at makaarte sila.”

Shabu at cocaine daw ang madalas gamitin noon ng mga artistang nalulong sa drugs.

Nakita rin daw niya ang naging epekto ng illegal drugs sa mga kasamahang gumamit nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag wala silang tama, bagsak, tulog, di makausap nang maayos.

“May psychological effects kasi drugs yun, e.

“May tantrums, nagmumura, ayaw mag-shoot, ayaw tumayo, ang hirap tawagin, ang hirap kausapin. Maraming ganun.”

Nakikita raw niya noon ang mga kasamahan sa pelikula na gumagamit ng droga nang harap-harapan.

“Nakikita ko harap-harapan. Cocaine, shabu... lahat.

“Never akong na-tempt. Sabi ko, kaya ko naman, e.”

FIGHT AGAINST DRUGS. Sang-ayon naman daw si Allen sa ginagawa ng kasalukuyang administrasyon upang masupil ang problema ng bansa sa illegal drugs.

“Kumbaga, kailangan ang pagbabago natin.

“Ang daming napabayaang taon, naging talamak na lahat ng adik.

“Naku-cover na lahat tayo ng drug lords, ng adik.”

Hindi naman daw sang-ayon si Allen na pangalanan pa o isapubliko ang mga artistang gumagamit ng droga.

“Ako, para sa akin... kami public figure kami.

“Kahit anong gawin namin, good or bad, talagang lalabas at lalabas ‘yan.

“Kung yun ang gusto nila [administration], wala tayong magagawa.

“Pero in my opinion, puwedeng kontrolin na lang. Puwede huwag na lang sabihin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN