Jerika Ejercito says she accepts niece Ellie Eigenmann as an Ejercito

IMAGE @jerikaejercito Instagram

Jerika Ejercito on brother Jake's daughter with Andi Eigenmann: "I think, I can only speak for myself. But you can see in social media [that], yes, we very much adore her."


Positibo ang sagot ni Jerika Ejercito nang tanungin kung tanggap niya bilang isang Ejercito ang anak sa pagkabinata ng nakababata niyang kapatid na si Jake Ejercito.

Kaugnay ito ng kumpirmasyon ni Jake na siya ang tunay na ama ng four-year-old daughter ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Sabi ni Jerika patungkol kay Ellie, “I think, I can only speak for myself. But you can see in social media [that], yes, we very much adore her."

Nakapanayam ng PEP.ph at Cinema News si Jerika sa 2016 PMPC Star Awards for Music and TV, na ginanap sa Novotel Hotel, sa Quezon City, noong Linggo, October 23.

Dito ay sinabi ni Jerika na saksi siya kung gaano kamahal ni Jake si Ellie.

Patunay raw nito ang mismong Instagram posts ni Jake kung saan makikitang madalas nitong kasama si Ellie.

Sabi ni Jerika, “Yes, nagkikita sila [Jake at Ellie]. If you follow him [on Instagram and Twitter], you’ll see that he’s very much involved in Ellie’s life.”

Hiningan din namin ng reaksiyon si Jerika tungkol sa katakut-takot na pamba-bash na tinanggap ni Andi mula nang makumpirma na si Jake nga ang tunay na ama ng anak nito.

Aniya, “She’s still my friend.

“You know, coming from what happened to my father [ex-president and Manila Mayor Joseph Estrada], those bashers? That’s part of life.

“And I knew Andi as a person, so I don’t really pay much attention sa mga bashers.”

JAKE'S ADMISSION. Sa naunang eksklusibong ulat ng PEP, inamin ni Jake na isang taon na ang nakalipas mula nang makumpirma niyang siya ang tunay na ama ni Ellie.

Ayon pa sa binata, magaan sa kanyang pakiramdam na sa wakas ay naisapubliko na ang tungkol dito.

“I mean, hindi naman deserve ni Ellie na, you know, na itago.

“Never ko naman siyang ikinahiya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP Exclusive: Jake Ejercito on being the real dad of Ellie: "I've never denied it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN