Rez Cortez's wife cries foul over 'drug protector' tag against actor

IMAGE Noel Orsal

"Ang kailangan ay disiplina na may kalinga, pang-unawa at pagmamahal," says Rez Cortez's wife Candy about the actor's statement on celebrities involved in illegal drugs.


Umalma ang misis ni Rez Cortez na si Candy Cortez sa diumano'y hindi makatarungang akusasyon sa aktor bilang "drug protector."

Sa pamamagitan ng Facebook post niya ngayong araw, October 28, inihayag ni Candy ang saloobin niya sa mapanghusgang bansag sa kanyang asawa, na kasalukuyang presidente ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (Actors Guild of the Philippines).

Pahayag niya, “My dear hubby is unjustly being called a drug protector!

“As president of the Actors Guild, he is looking after the welfare of his peers.

“A father or brother would do that.

“He will be there to HELP them, assist them and care for them when they need him.

“If they need to be punished because of a crime commited against society so be it.

“Actors are people too. They need to be cared for before they are condemned for life.”

“People say they are role models, so is everyone.... to his child, to his brother and to a friend.”

“Sana lahat nang humuhusga ay perfecto at malinis.”

Giit pa ni Candy, “Hindi lang drugs ang ang pamantayan ng pagiging masamang ehemplo.

“Meron din ibang bisyo na nagiging problema sa lipunan at nakakasira sa tao at pamilya. Alcohol, cigarettes, pagsusugal, pagmumura, law offenders, pangbababae, panlalalake!

“Maraming bisyo ang nakakasira sa lipunan natin!”

Sa huli, tila galit na idinagdag ng misis ni Rez: “SINO NGAYON ANG MALINIS!?!?!? WAG MANGHUSGA!!!!

“Ang kailangan ay disiplina na may kalinga, pangunawa at pagmamahal.”

Nag-iwan ng personal na mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Candy upang humingi ng karagdagang pahayag tungkol sa kanyang status.

Ngunit hindi pa nakakatanggap ng sagot ang PEP mula sa kanya.

WALANG DRUG PROTECTOR.” Matatandaang kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Rez tungkol sa mga artistang nasasangkot sa illegal drugs.

Bilang presidente ng Actors Guild, sinabi ni Rez na handang tumulong ang kanilang grupo sa mga nais sumuko o gustong sumailalim sa rehabilitasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nananawagan ako sa mga artista — at hindi lamang sa artista kung hindi sa lahat ng manggagawa ng pelikula at telebisyon — na mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli o, sa kasamaang palad, ay nagiging dahilan pa ng mitsa ng kanilang buhay dahil sa hindi sila sumurender.

“Binibigyan naman tayo ng pagkakataon ng pamahalaang ito, tawagan lang ako,” sabi ni Rez sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda.

Read: Actors Guild president Rez Cortez makes plea to celebrities involved in illegal drugs

Sa hiwalay na panayam naman ng Balitanghali, nagpahayag ng pagtutol ang aktor sa paglalabas ng pangalan ng mga artistang nasa drug watchlist kung maituturing na user lamang ang mga ito.

Katuwiran niya, “Yung mga [pangalan ng] artista, puwede nilang ilabas kung ito ay isang drug lord, pusher, drug protector.

“Si Presidente Digong, hindi naiintindihan ng iba. Ang pinapangalanan lamang nila ay yung mga drug lord, drug pusher, drug protector, at yung mga involved sa drug trade.”

Kinuwestiyon din ni Rez ang pagkakaroon ng drug protectors sa mga katulad niyang artista.

Pahayag niya, “Ang artista naman, paano magiging drug protector kung wala namang power?

“Wala naman sa posisyon para magbigay ng proteksyon sa mga drug lord at pusher.

“Kaya sa hanay namin, walang drug lord, drug protector. Wala kami sa posisyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN