Actors Guild president Rez Cortez makes plea to celebrities involved in illegal drugs

IMAGE Noel Orsal

Actors Guild President Rez Cortez to celebrities involved in illegal drugs: "Mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli o, sa kasamaang palad, ay nagiging dahilan pa ng mitsa ng kanilang buhay dahil sa hindi sila sumurender."


“Mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli.”

Ito ang naging pakiusap ng aktor na si Rez Cortez, pangulo ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (Actors Guild of the Philippines), sa kapwa niya mga artista at iba pang nagtatrabaho sa telebisyon at pelikula na gumagamit ng ilegal na droga.

Sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda noong Martes, October 4, sinabi ni Rez na handang tumulong ang kanilang grupo sa kapwa nila showbiz personalities na gustong sumuko.

Aniya, “Nananawagan ako sa mga artista — at hindi lamang sa artista kung hindi sa lahat ng manggagawa ng pelikula at telebisyon — na mag-surrender na tayo bago humantong sa pagkahuli o, sa kasamaang palad, ay nagiging dahilan pa ng mitsa ng kanilang buhay dahil sa hindi sila sumurender.

“Binibigyan naman tayo ng pagkakataon ng pamahalaang ito, tawagan lang ako.

“Puwede din naman tayong dumiretso sa pulis o sa kapwa natin artista ay puwedeng lumapit at tayo na ang gagawa ng paraan para matahimik na susurender.

“At kung kailangan ng rehab, kami ay tutulong din sa Actors Guild.”

Sinabi ito ni Rez kasunod ng pagkaaresto sa aktor na si Mark Anthony Fernandez sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga, dahil umano sa dala niyang isang kilo ng marijuana.

Read: Mark Anthony Fernandez tests negative for shabu, positive for marijuana

ON NAME-SHAMING CELEBRITIES. Samantala, bagamat suportado ng Actors Guild of the Philippines ang ginagawang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga, hindi naman daw sila pabor sa pagpapalabas ng mga pangalan ng artistang kasama sa sinasabing drug list ng pulisya.

Ani Rez, “Nakakalungkot nga na itong nakaraang mga araw ay hindi lang kasi ang Operation: Tokhang, ang nangyari ay naabatan sila.

“Ibig sabihin, di sila nakinig sa pakiusap ng ating Pangulo [Rodrigo Duterte] at [Gen. Ronald 'Bato' dela Rosa].

“Pati ako, bilang pangulo ng Actors Guild, ay nakiusap din ako na sumuko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At nakikiusap din ako na huwag pangalanan at huwag nang ilabas ang listahan dahil ito ay mga user lamang.”

Paliwanag pa niya, “Kung sure na ito ay drug lord o pusher ay okay lang 'yon.

“Pero sa amin sa Actors Guild ay hindi kami titigil sa ganoon.

“Ang mga users ay biktima. Kung kailangan ay tulungan at kung kailangan ay i-rehab ay tutulungan namin ang aming kasamahan sa industriya.”

Bukod kay Mark Anthony, nauna nang nahuli sina Karen Bordador, Sabrina M, at Krista Miller sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation na isinagawa ng pulisya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN