Nathalie Hart: "Hindi na nila ako puwedeng sabihan ngayon na starlet kasi meron na akong award."

IMAGE Mark Atienza

Nathalie Hart on winning Best Actress at the International Film Festival Manhattan in New York for Siphayo: "It's really a good feeling that I won. For me, it's just a job, I'm just doing my job, wala naman yun, e."


Nasa cloud nine pa rin si Nathalie Hart nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa special preview ng indie movie na Siphayo (Dismay), na ginanap sa Cinema 1 ng Fishermall, sa Quezon City, kahapon, October 27.

Ang pagwawagi niya bilang Best Actress sa International Film Festival Manhattan (IFFM), na ginanap sa New York, USA, ang dahilan ng kaligayahang iyon.

Read: Nathalie Hart wins Best Actress award in New York for erotic drama

Pahayag ni Nathalie, “It feels good kasi hindi na nila ako puwedeng sabihan ngayon na... ano yun, yung starlet.

“Hindi na nila ako puwedeng sabihan ngayon na starlet kasi meron na akong award.

“Ang masasabi nila, actress na ako, so it's a good feeling as well.

“I mean, parang... nakakainis, e.”

Ang kakaiba raw sa panalo niyang ito ay dahil isang sexy at daring role ang ginampanan niya sa pelikulang ito na idinirek ni Joel Lamangan.

Sabi ng StarStruck alumna, na unang nakilala sa screen name na Princess Snell, “Usually naman kasi, it's not because naghubad ka, hindi ka na makakakuha ng award.

“I mean, I don't know…

“Siguro kasi, yung execution ni Direk Joel Lamangan was very great dito sa movie.

“Pero hindi ko masasabi na sobrang galing ko.

“I mean, I think I can give more.

“Siguro natuwa lang ako na nagustuhan nila ako, thank you so much.”

Sabi pa ni Nathalie, “Siguro, as actor, iba-iba siguro ang levels ng gusto nating gawin sa pelikula.

“Siguro, sa pelikulang ito, hindi ko nakikita yung lahat ng puwede kong ipakita, but I think nagustuhan ng mga tao.

“Maybe they like the way I portrayed the character.”

NATHALIE IN MANHATTAN. Ano ang pinakamagandang reaksiyon na natanggap niya mula sa audience ng IFFM?

Saad ng sexy actress, “Siguro yung when I attended the festival, kasi maraming mula sa ibang bansa ang nandoon, so different nominees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming Filipinos din na nandoon, which is great, it was just a good feeling that I attended.

“Sabi nga nung mismong nag-aayos ng film festival, 'What would you feel if you win or not?'

“Sabi ko naman, 'If I win, thank you very much. And if I don't, I'm happy to be here. I’m already here in New York, what more can I ask for?'

“Nung binitawan ko yun, yung winning doesn't mean anything as long as you like what you're doing is already winning.

“Tapos, pag-upo dun, I was having a jetlag, gutom na gutom na ako, tapos nung sabihin nilang best actress, hala!

“Ang sabi ko, 'Ako ba talaga ito?'”

Wala nga raw siyang sinabing gaaano sa kanyang acceptance speech dahil hindi niya ito inaasahan.

“Ang sabi ko lang, 'I'm really hungry, thank you so much. I don't know what to say.'

“Sabi ko [sa sarili ko], 'Okay, fine.'

“It's really a good feeling that I won.

“For me, it's just a job, I'm just doing my job, wala naman yun, e.”

Baka nga raw magbago na siya dahil sa international best actress na ito.

Pero giit ni Nathalie, “It doesn't mean na I won an award, it would change me? No!

“I mean, I wanna be a better actress, so sa mga susunod na gagawin ko, it's pretty much it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN