Cynthia Patag hits President Rodrigo Duterte anew: "When God talks to us, it is schizophrenia."

IMAGE Cynthia Patag / PCCO on Facebook

Hindi pa rin nagpaawat ang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Cynthia Patag. Tinawag niya itong may 'schizophrenia' dahil sa pahayag ng pangulo na nakausap daw niya ang Diyos.


Bukod sa halos dalawang bilyong dolyar na investment sa Pilipinas na pangako ng bansang Japan, kung saan nagkaroon ng 3-day state visit si Pangulong Rodrigo Duterte, may isa pang magandang balita na inanunsiyo ang pangulo sa kanyang arrival presscon nitong Huwebes, October 27.

Ito ay may kaugnayan sa kanyang pagmumura sa kanyang mga talumpati.

Ayon kay Duterte, nakausap daw niya ang Diyos habang nasa eroplano pauwi ng Pilipinas galing Japan.

Saad ng presidente, “I was looking at the skies as I was coming over here. And I... everybody was asleep snoring.

“A voice said that, you know, 'If you don't stop… I will bring this plane down now.'

“And I said, ‘Who is this?’ Of course, it's God. ‘Oh, OK.’

“So, I promised God not to express slang, cuss words.

“You guys hear me right always because a promise to God is a promise to the Filipino people.”

Ngunit may patutsada ang dating comedienne-singer na si Cynthia Patag sa pahayag na ito ng pangulo.

Sa kanyang Facebook account kahapon, October 28, sinabi ni Cynthia na kapag kinakausap daw tayo ng Diyos, ang tawag dito ay "schizophrenia."

Saad niya sa kanyang post: “When we talk to God, it is prayer.  When God talks to us, it is schizophrenia.”

Ayon sa National Institute of Mental Health (NIMH) website, “Schizophrenia is a chronic and severe mental disorder that affects how a person thinks, feels, and behaves. People with schizophrenia may seem like they have lost touch with reality. Although schizophrenia is not as common as other mental disorders, the symptoms can be very disabling.”

Sa comment section, sinabi pa niyang ‘lunacy’ ang kundisyon ng pangulo.


Hindi si Cynthia ang unang celebrity ang nagbansag kay Pangulong Duterte na wala diumano sa tamang pag-iisip.

Ilang linggo na ang nakalilipas ay naging malaking balita ang pagtawag ng singer-actress na si Agot Isidro na 'psychopath' kay Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "psychopath"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN