PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay on Sunshine Cruz: "Hindi ko talaga akalain na meron pang katulad niya, I'm lucky."

IMAGE PEP Source

Pag-amin ni Macky Mathay, masuwerte raw siya na nakahanap siya ng babaeng mamahalin katulad ni Sunshine Cruz. Aniya, "Hindi ko talaga akalain na meron pang katulad niya."


Matapos ang ilang linggong haka-haka tungkol sa namamagitan sa kanila, inamin na ni Ismael 'Macky' Mathay IV na sila na ng aktres na si Sunshine Cruz.

Masasabi mang mabilis ang mga pangyayari, hindi raw nila napigilan ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

Sa mga post ni Macky sa Instagram, masasabing expressive siya sa kanyang nararamdaman para kay Sunshine.

Paliwanag ni Macky tungkol dito, “E, wala naman akong ano sa pagiging expressive ko.

“Kasi ano, e, yung mother ko, ganun din expressive, open sa nararamdaman niya.

“Talagang close ako sa mother ko.

“Tsaka hindi ba masarap lang yung feeling na straightforward ka? Na gusto mong iparamdam, kahit sa kaibigan man lang masabi mo nang diretso, kaysa pinipigilan mo yung gusto mong i-express, di ba?”

Hiningan namin ng mensahe si Macky para kay Sunshine.

Aniya, “I always tell her na nagulat rin talaga ako.

“I think God has the right timing for everything, for everyone.

“Tsaka never ko inakala na meron pa palang babaeng katulad niya.

“Actually nga, yung latest post ko sa Instagram, yung pictures ko with my mother, and then my late grandmother who passed away nung 2012, they’ve always been my ‘close-to-perfect’ example of a woman.

“Sinabi ko rin kay Sunshine yun. Hindi ko talaga akalain na meron pang katulad niya, I’m lucky.

“Actually, regarding the future, regarding ng mga forever-forever na ‘yan, ako kasi, I just want to live day by day.

“Kaya nga sa quote ko, sabi ko, ‘Looking forward to the future,’ yung plan, hindi dapat tayo ma-consume sa mga plano natin, kasi dapat bigyan muna natin ng halaga yung araw na nangyari, di ba?

“And if that’s the case, I know deep inside my heart na palagi ko siyang mamahalin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Macky ngayong Sabado, October 29,

I miss my #Behrouz partner so much. #mySunshine #???7924 #??999

A photo posted by Ismael Mathay IV (@mackymathay) on

CIVIL STATUS. Parehong hiwalay sa asawa sina Macky at Sunshine.

Si Macky ay hiwalay na sa misis niyang si Camille Farinas, anak ni Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas; habang si Sunshine naman ay hiwalay na sa aktor na si Cesar Montano.

Inusisa namin kay Macky ang estado ng relasyon nila ng nakahiwalayang asawa.

Saad ng kapatid ni Ara Mina, “It’s been a year. Our separation was September last year.

“Civil kami [ni Camille].

“Kasi siyempre, hindi ko naman magagampanan completely yung duties ng isang ina, the same with her, yung duties ng isang ama.

“So, we’re civil for the kids. Yung duties niya ginagawa niya, yung duties ko ginagawa ko.

“Tsaka yung kids namin alam... yung daughters ni Sunshine, alam na there is a Tito Macky.

“And yung two sons ko and one daughter, alam na there is a Tita Sunshine.”

Hindi pa raw niya nakikilala ang mga anak ni Sunshine na sina Angelina, Chesca, at Samantha.

Naipakilala na ba niya si Sunshine sa kanyang mga anak at pamilya?

Sagot ni Macky, “Sa mother ko and to relatives of mine, mga pinsan ko.”

Nasa process na ba sila ng annulment ni Camille, katulad nung sa kaso nina Sunshine at Cesar?

Ayon kay Macky, “Well, siyempre alam niyo naman yung kay Sunshine, it’s in the process.

“Yung sa akin, siyempre after… one year pa lang naman kami [hiwalay] so...

“Napag-usapan na namin, pero dun na rin pupunta yun.

“Talagang both of us have moved on already, both of us have our own private lives already.

“And we are just civil.

“And I want to be friends dun sa mother nung mga kids [ko], kasi siyempre para naman sa mga bata yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN