PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

IMAGE PEP Source

Tuwiran nang tinuldukan ni Macky Mathay ang maraming tanong ng netizens tungkol sa ugnayan nila ni Sunshine Cruz. Inamin ng kapatid ni Ara Mina na sila na nga ni Sunshine nito lamang September 18, 2016.


Nagsimula sa isang ‘Hi’ sa direct messaging sa Instagram ang love story nina Ismael 'Macky' Mathay IV at Sunshine Cruz.

Ito ang kuwento ni Macky sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng telepono, ngayong Sabado, October 29.

Si Macky ay half-brother ng aktres na si Ara Mina, na matalik na kaibigan naman ni Sunshine.

Matatandaang naging viral sa social media ang larawan ng dalawa na magka-holding hands habang naglalakad sa Bonifacio Global City, Taguig, ilang linggo na ang nakararaan.

May isang source ang nagsabing ‘recently dating’ pa lang sina Sunshine at Macky.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Mula nang naging viral ang larawan nilang magka-holding hands, hindi tumigil ang PEP sa paghahanap ng pagkakataong makuha ang panig nina Macky, 37, at Sunshine, 39.

Ngunit naging mailap ang dalawa na bigyan kami ng interview.

HOW IT STARTED. Kahapon, October 28, may nakausap ang PEP na isang source na nagbigay sa amin ng numero ng telepono ni Macky.

Nagpadala kaagad kami ng mensahe sa kanya at sumagot naman ito. Ngunit hindi pa siya makapagsabi kung magpapa-interview siya sa amin.

Humirit kami na baka mapagbigyan niya kami ng ilang katanungan dahil marami ang curious malaman ang totoong estado ng relasyon nila ni Sunshine.

Ngayong araw, October 29, nakatanggap kami ng mensahe na handa nang ilahad ni Macky ang kanyang kuwento, at kung paano nabuo ang isang pagmamahalang aniya'y 'perfect timing.'

Una naming inusisa kay Macky kung kailan sila nagsimulang mag-date ni Sunshine.

Tugon niya, “Safe to say... nagdi-date? Since September.”

Paano niya nakilala si Sunshine?

Ayon kay Macky, “Well, actually, ‘yan yung sinasabi ko, e.

“I will actually tell you the truth kasi ano, e, hindi naman ako showbiz.

“Hindi naman ako artista, di ba? So, hindi na ako magpaliguy-ligoy.

“Actually, I am… natutuwa ako, I feel happy, I guess right timing kasi lahat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, alam mo, if it happened in a different situation or something, siguro hindi kami na-develop, parang ganun.

“Well, actually, it’s as simple as I sent her a direct message on Instagram. Ganun kasimple.

“Totoo yun. I sent her a direct message sa Instagram, saying ‘Hi.’

“And then after, I sent her my ‘Hi’ message, dinugtungan ko kaagad ng second message.

“I told her that ‘I’m the brother of Hazel [Reyes], si Ara.’”

Patuloy niya, “And, you know, yun nga, yun yung sinasabi ko na right timing ‘coz it so happened that she was with Ara.

“Nasa Brunei sila, as in magkasama talaga sila nung natanggap niya yung message.

“So, right there and then, naitanong niya agad kay Ara na, ‘Uy, may kapatid ka bang Macky?’

“Yun. Siyempre wala naman akong…

“Actually, matagal na rin kaming hindi nag-uusap ni Ara before that.

“But, uhm, of course, sinabi niya na, ‘Yes, may kapatid ako, bakit minessage ka niya?’

“Parang ganun. ‘Mahiyain yun a,’ parang ginanun niya.

“Yun yung rason kung bakit kami nagsimulang mag-usap.”

THE VIRAL PHOTO. Unang pumutok ang tungkol sa relasyon nina Macky at Sunshine nang mai-upload ng isang netizen sa Facebook ang larawan nilang magka-holding hands habang tumatawid sa isang pedestrian lane sa Bonifacio Global City.

Ayon pa sa netizen, akala raw niya ay si Cesar Montano ang kasama ni Sunshine.

Si Cesar ang estranged husband ng aktres.

Habang si Macky ay hiwalay na rin sa misis niyang si Camille Farinas, anak ni Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas.

Read: Sunshine Cruz-Macky Mathay 'HHWW' photo goes viral

Paliwanag ni Macky tungkol sa larawan ni Sunshine, “We were on our way to watch a movie.

“Hindi namin na-notice na meron palang guy that was taking [a picture]…

“I guess, pag titingnan mo yung picture, talagang mukhang selfie, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro nahiyang magpa-picture kasi nasa kalagitnaan nga ng pagtawid.

“At saka meron kaming hinahabol na oras ng movie...

“Siguro nahiya rin yung lalaki kasi, during that time, siguro hitsura namin nagmamadali.”

Simula noon, usap-usapan na ang diumano’y ugnayan ng dalawa.

“I SAID I LOVE YOU FIRST TO SUNSHINE.” Kasunod nito, diretso naming tinanong si Macky kung sila na ba ni Sunshine.

Hindi naman siya nag-atubiling aminin ang totoong estado ng relasyon nila ng aktres.

Pag-amin ni Macky, “Yes.”

Dugtong pa niya, “Yes. Yes. Yes. Gusto mo sa ibang dialect pa? Yes. Oo.”

Dito na ikinuwento ni Macky kung paano niya napasagot si Sunshine.

Sabi niya, “Alam mo, right from the start naman, sinabi ko sa kanya, hindi nga ako showbiz, hindi nga ako artista, though kapatid ko si Ara.

“Pero alam mo, darating din yung time na talagang lalabas at lalabas.

“Sabi ko, I guess, just like how we started, right timing for everything naman talaga, e, di ba?

“And I assured her, 'Ever since from the start, na pag lumabas, e, hindi kita idi-deny ‘coz you make me so happy. Tsaka mahal kita.'”

Kailan siya sinagot ni Sunshine? 

Natatawang sagot ni Macky sa amin, “Ang dami mo na atang tanong, a!”

Pero dugtong din niya, “Actually, it was me who said 'I love you' first.

“Sinabi ko sa kanya that ‘I love you.’

“Sabi ko,  ‘Before I finally said I love you, matagal kong pinag-isipan. Kasi since matagal ka nang hindi nagka-relationship, baka hindi ka pa handa.

“'I don’t want to rush you into anything,’ sabi ko. ‘Kasi nararamdaman ko naman para sa 'yo ay makakapaghintay naman.’

“Sabi ko, ‘I can wait, I can wait.’

“But still, I decided to tell her that I love her, kasi mahal ko na siya, e.

“Ayoko namang maging hipokrito sa sarili ko. Kasi, hindi na kami bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I told her that I love her.

“She actually said ‘I love you too’ after a week.”

Sinagot daw ni Sunshine si Macky noong September 18.

VERY COMFORTABLE WITH EACH OTHER. Matapos na naging pormal ang kanilang relasyon, anu-ano na ang mga napag-uusapan nila?

Saad ni Macky, “Sobra na kaming comfortable sa isa’t isa, e, even before the ‘I love you’s.’

“Kaya nga sabi ko sa kanya na, 'Alam mo, kahit na mga kapamilya namin, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga close friends, parang lahat sila nagtataka na parang sobrang bilis.'

“E, sabi ko, ‘Ganun talaga, bakit pipigilan?’

“Tapos, sinasabi ko kay Sunshine, ‘Everything happens so fast between the two of us, but the thing is, I love you. And puwede namang araw-araw kitang ligawan pa rin, e.’

“Para at least, di ba, ang dami-daming tao na… tsaka, yun nga, matanda na kami na ang dami nang pinagdaanan sa buhay, the two of us. [Na baka] Hindi na uli makahanap ng mamahalin.

“So, bakit pipigilan mo pa yung nararamdaman mo?”

Maraming mga tagahanga si Sunshine ang masaya sa napapabalitang relasyon nila ni Macky.

Pati na ang estranged husband nitong si Cesar ay nagpaabot ng mensahe na masaya siya sa love life ni Sunshine.

Read: Cesar Montano reacts to Sunshine Cruz's rumored romance with Macky Mathay

Ano ang masasabi ni Macky rito?

Sagot niya, “Ako rin, happy rin ako na naging ganun yung pananaw niya.”

(Abangan ang pangalawang bahagi ng aming eksklusibong panayam kay Macky Mathay tungkol sa pag-amin niya sa relasyon nila ni Sunshine Cruz.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN