Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

IMAGE Imelda Schweighart on Facebook and @kathespin on Instagram

Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart was caught on-cam making nasty remarks about Miss Earth 2016 Katherine Espin. In the video, allegedly taken after the coronation festivities, Schweighart ranted, "Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural."


“Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Ito ang mga makahulugang salitang binitiwan ni Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart sa harap ng kanyang supporters.

Nakuhanan ng isang fan ang Fil-German beauty na tila naglalabas ng sama ng loob sa naging resulta ng Miss Earth 2016 beauty pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena nito lamang nakaraang Sabado, Oktubre 29.

Ang tinutukoy ng dating Wowowin co-host ay ang Ecuadorian delegate at nanalong Miss Earth 2016 na si Katherine Espin.

Narito ang nasabing video:


Isa pa sa mga nakapukaw ng atensyon ng pageant fans ay ang video na in-upload ng dalaga ilang minuto pagkatapos niyang mabigong mapabilang sa Top 16 ng nasabing pageant.

Kalakip ng video ang caption na, "Philippines didn’t get in but still thank you to Leo Almodal for making this gown for me.”

Ang nasabing gold gown ay siya ring isinuot ng nanalong Miss Earth sa kanyang coronation.

Gayung hindi nakapasok ang Filipina delegate sa mga sumunod pang rounds, tila ipinahiram na lamang kay Miss Ecuador ang nasabing gown sapagkat iisa lamang ang designer ng dalawang beauty queens.

A photo posted by katherine Espn (@kathespin) on

Unang umani ng batikos si Schweighart matapos niyang sabihin kay Miss Earth Austria Kimberly Budinsky ang tungkol sa pagiging “Hitler” ni President Rodrigo Duterte.

READ: Miss Earth Philippines 2016 Imelda Schweighart clarifies 'soft joke' about Duterte

Nagkaroon din siya at si Miss Earth 2008 Karla Henry ng hindi pagkakaunawaan matapos niyang akusahan itong pinagtatawanan siya sa isang preliminary judging event.

READ: Miss Earth 2008 Karla Henry calls out Ms Philippines-Earth 2016 Imelda Schweighart for her FB rant

Si Schweighart ang pangalawang Filipina na hindi nagtagumpay na makapasok sa semi-finals ng Miss Earth na ginanap dito sa bansa, kasunod ni Miss Philippines Earth 2007 Jeanne Harn na nag-uwi lamang ng Miss Photogenic special award.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN