Ex-couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla together in Japan

IMAGE Instagram photo of Aljur Abrenica

Are Aljur Abrenica and Kylie Padilla back together? The former couple are spending time together in Japan, and Aljur even uploaded this photo of them on Instagram.


Nagkabalikan na ba sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla?

Ito ang tanong ng fans matapos makita ang larawan ng dating magkasintahan na magkasama sa Japan.

Sa Instagram post ni Aljur ngayong araw, October 31, makikita ang larawan niya kasama ang ex-girlfriend na si Kylie.

Walang anumang caption na inilagay ang Kapuso actor kundi ang #shimokitazawa, kilalang commercial at entertainment district sa Setagaya, Japan.

#shimokitazawa

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

May ilang naghinalang maaaring hindi si Kylie ang kasama ni Aljur sa picture.

Pero sa Instagram account ng Encantadia actress, mapapansin na ang mga post niya ay kuha rin sa Tokyo.

Ang pinakahuling post ni Kylie, halos kasunod ng post ni Aljur, ay tila isang tula kung saan nakasulat ang sumusunod: “the comfort on your shoulder what I've always wanted.”

Need.

A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Taong 2014 nang maghiwalay sina Aljur at Kylie.

Sa panayam noon ng Startalk kay Kylie, sinabi ng dalagang anak ni Robin Padilla tungkol sa pagtatapos ng relasyon nila ni Aljur, “Ewan ko bakit kailangang ganun yung nangyari. Nasayang sa walang-kuwentang dahilan.”

Read: Kylie Padilla confirms breakup with Aljur Abrenica


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN