Imelda Schweighart resigns as Miss Philippines Earth

IMAGE Facebook photo of Imelda Schweighart

"You don't have to be careful with what you're saying. You have to be real because that's what people need," says resigned Miss Philippines Earth Imelda Schweighart about recent controversies involving her.


Nag-resign na bilang Miss Philippines Earth si Imelda Schweighart.

Kinumpirma ito ni Carousel Productions executive vice-president Lorraine Schuck sa panayam sa kanya ng CNN Philippines ngayong gabi, October 31.

Ayon kay Schuck, nakausap niya kanina si Imelda at ang ina nitong si Annabeth Bautista dahil sa viral video ng Pinay beauty queen, kung saan makikitang bina-bash niya ang Miss Earth 2016 winner na si Katherine Espin ng Ecuador.

Sa naturang video, habang kausap ang kanyang mga tagasuporta, maririnig na sinabi ni Imelda: “Yung nanalo peke ilong, peke baba, peke boobs! Miss Earth, dapat natural.”

Read: Miss PH Earth 2016 Imelda Schweighart takes a swipe at Miss Ecuador

“They voluntarily resigned. She can't handle it anymore,” sabi ni Schuck tungkol sa pakikipag-usap niya sa mag-ina.

Aniya pa, balak umano ng ina ni Imelda na kunin na lang ang anak pabalik sa New Zealand para maprotektahan ito sa online threat at bashing.

Si Miss Philippines Air 2016 Kiara Giel Gregorio ang hahalili kay Imelda at magtatapos ng kanyang mga obligasyon bilang Miss Earth Philippines.

Si Gregorio ay sumali sa naturang beauty pageant bilang representative ng Pinoy community sa London.

IMELDA APOLOGIZES. Samantala, sa hiwalay na panayam ng CNN Philippines kay Imelda, humingi ng paumanhin ang 21-year-old na beauty queen.

Aniya, “If it's a crime to tell the truth, I'm sorry.

“I didn't mean to offend Miss Ecuador… I don't know her enough but she was my roommate.”

Depensa ni Imelda, mismong si Katherine Espin ang nagsabi sa kanya tungkol sa mga ipinabago nito sa kanyang katawan.

Bagamat humingi ng paumanhin, inalmahan naman niya ang pagkaka-upload online ng naturang video.

Aniya, “You put a side of a person's integrity out there. What is that? Hindi makabayan 'yon.”

Ngunit dagdag ni Imelda, “Hindi ako bitter.”

Matapos kasing lumabas ang nasabing viral video, nag-upload din si Imelda ng video kung saan makikita ang gown na dapat sana'y isusuot niya ngunit ibinigay kay Miss Ecuador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pinalad si Imelda na mapabilang sa semifinalists ng Miss Earth 2016.

Pahayag niya, “It wasn't explained to me at that time. I had nothing to wear.

“And then after that, I was still in the heat of the moment.

“Why did they do that to me? Di na nga nila ako inaasikaso.”

Sa gitna ng mga kontrobersiya, ito ang pahayag ni Imelda, “I wouldn't be in this industry if I have a bad attitude.

“I wouldn't endure the pain if I am what they say I am.

“Sabi nga ng kapatid ko, one mistake is okay, but if it's repeated twice, it's a choice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN