Jaclyn Jose reacts to Jake Ejercito's photo with Ellie: "I slayed all the dragons before you."

IMAGE Noel Orsal / @unoemilio on Instagram

Veteran actress Jaclyn Jose had something to say about Jake Ejercito's caption to this photo with his daughter Ellie.


Nitong nakaraang Linggo, October 30, nag-post si Jake Ejercito ng larawan nila ng anak niya kay Andi Eigenmann na si Ellie, na naka-prince at princess costumes para sa Halloween.

Caption ni Jake sa larawan nila ng anak: “I'll slay all your dragons for you, my princess.”

I'll slay all your dragons for you, my princess

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Kagabi, October 31, nagkomento rito ang ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose.

Sabi ng award-winning actress, “She will always a princess before you and will always be.

“I slayed all the dragons before you.

“You could have slayed the dragons before this.

“But you chose not to. You can’t all of a sudden slay.

“You do not have the tool.”


Pinayuhan naman si Jake ng isa niyang follower na huwag nang magkomento tungkol dito, at kanya namang sinang-ayunan.


Samantala, kagabi rin, nag-post naman si Jake ng larawan ni Ellie kasama ang kanyang mga magulang na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

Last night was a good night

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Matatandaang inamin ni Jake na siya ang tunay na ama ng anak ni Andi sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star Awards for Music and TV noong October 23.

Ito ay matapos ang limang-taong espekulasyon sa tunay na katauhan ng ama ng anak ni Andi.

Ayon kay Jake, nalaman niya na siya ang ama ni Ellie nang sumailalim siya sa isang DNA test noong 2015.

Read: PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "I've never denied it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN