Ejay Falcon in a relationship with a former StarStruck finalist?

IMAGE Instagram (@ejaythefalcon)

Kapamilya actor Ejay Falcon and former StarStruck 3 Avenger Jana Roxas stroll the streets of Tokyo.


Nag-post sa Instagram si Ejay Falcon ng isang photo habang ka-holding hands ang isang nakatalikod na babae.

Sa Japan nagtungo si Ejay nitong Undas.

Simpleng caption ng Kapamilya actor dito: “Finally [heart emoji].”

Finally??

A photo posted by Ejaythefalcon (@ejaythefalcon) on

Sa comments section, nag-react ang fans at ilang kaibigan ni Ejay na sinasabing masaya sila para sa aktor at sa kasama nitong babae.

Ang babaeng nasa larawan ay ang StarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas.

Ka-batch ni Jana sa nasabing Kapuso reality artista search sina Jackie Rice, na nanalong Ultimate Female Survivor, at ang yumaong si Marky Cielo bilang Ultimate Male Survivor.

Nilibot nina Ejay at Jana, kasama ang iba pang kaibigan, ang mga lugar sa Tokyo, kagaya ng Takeshita, Disney Sea, at Shinjuku.

???? @rainchildrom

A photo posted by Ejaythefalcon (@ejaythefalcon) on

????????

A photo posted by Ejaythefalcon (@ejaythefalcon) on

Noong October 22, maging si Prince Stefan ay nag-post ng larawan nila nina Ejay at Jana kasama ang iba pang mga kaibigan.

Si Jana ay umaming nabuntis ng kanyang non-showbiz boyfriend noong 2010 nung siya'y 19 years old pa lamang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN