Andi Eigenmann posts photo with her rumored new boyfriend

IMAGE Andi Eigenmann's Facebook and Instagram accounts

Andi Eigenmann posts photo of her rumored non-showbiz boyfriend, who she greeted a 'happy anniversary.'


Isang larawan ang ipinost ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account, kung saan makikita ang silhouette niya na nakasandal sa isang lalaki.

Ang naturang lalaki ang sinasabing bagong boyfriend ngayon ng aktres.

Ipinost ni Andi ang larawan ngayong Huwebes, November 3.

Makahulugan din ang mensahe ni Andi para sa lalaki at binati pa niya ito ng “maligayang anibersaryo.”

Caption fito ng aktres:  “You pulled me into your peace. Here's to more endless summers with you. Maligayang anibersaryo. #YoAndI

Binanggit ni Andi sa comments section na sa Baler, Aurora, kinunan ang nasabing larawan.


Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang lalaking kasama ni Andi sa larawan ay nagngangalang Emilio Arambulo.

Yo ang palayaw na ginamit ni Andi sa kanyang hashtag na #YoAndI (pinagsamang Yo at Andi).

Naka-private ang Instagram account ni Emilio, pero sa social media photos ng mga kaibigan, may mga larawan na magkasama sila ni Andi.

Sa Facebook account din ni Andi, ibinahagi niya ang ilang shots ni Emilio mula sa isang pictorial.



Sa isang artikulo ng PEP noong November 2015, pahapyaw na binanggit ni Andi na idine-date niya ang isang non-showbiz guy.

Read: Andi Eigenmann admits dating a non-showbiz guy


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN