Jake Ejercito reveals Ellie calls him "daddy"

IMAGE Jake Ejercito's Twitter

Jake Ejercito seems to be more open now in posting about his daughter Ellie, since it was confirmed that he is indeed the father of Andi Eigenmann's daughter.


Ibinahagi ni Jake Ejercito na “daddy” ang tawag sa kanya ng anak na si Ellie.

Si Ellie ay anak ni Jake sa sa dating kasintahan na si Andi Eigenmann.

Sa Twitter post ni Jake nitong Huwebes, November 3, ibinahagi nito ang nakatutuwang pag-uusap nila ng kanyang anak.

Narito ang palitan ng dialogue ng mag-ama sa tweet ni Jake:

Samantala, simula nang lumabas ang katotohanang si Jake ang tunay na ama ni Ellie, mas naging masigasig ang binatang ama sa pagpu-post sa social media ng tungkol sa kanyang anak.

Matagal na raw niyang alam na anak niya si Ellie subalit mas piniling huwag ipangalandakan ito upang maprotektahan ang bata.

Sa exclusive interview ng PEP kay Jake, sinabi nitong maluwag sa dibdib ang kanyang nararamdaman dahil malaya na siyang magsalita tungkol dito.

Read: Jake Ejercito on being the real father of Ellie: "I've never denied it."

Kamakailan din ay nag-post ang binata ng mga larawan, kung saan makikita si Ellie na kasama ang mga magulang ni Jake na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

Read: Mayor Joseph Estrada welcomes granddaughter Ellie


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN