Aljur Abrenica on Prince Stefan's claim about his manhood: "Baka ugat lang yung nakita niya."

IMAGE Noel Orsal / @iamprincestefan on Instagram

Noon pa raw ay may hinala na si Aljur Abrenica na bakla si Prince Stefan. Saad niya, "May doubt na akong bakla si Prince. And wala naman akong problema sa mga bakla. I just gave him the benefit of the doubt na baka hindi."


Kinumpirma ni Aljur Abrenica ang kuwento ni Prince Stefan na nag-bathtub sila ng ka-batch sa StarStruck sa isang out-of-town gig.

Ayon sa itinanghal na Ultimate Hunk ng Star Struck: The Next Level (2006-2007), halos sampung taon na raw ang nakalipas noong nangyari ito.

Hindi na nga raw niya maalala kung sa Bohol o sa ibang lugar ito nangyari, pero mga bata pa raw sila noon ni Prince, na siya namang First Prince sa naturang artista search ng GMA Network.

Read: Prince Stefan once flirted with Aljur Abrenica: "Niyaya ko siyang mag-bathtub."

Kuwento ni Aljur na natatawa, “Nasa hotel kami, totoo yun, magkasama kami at niyaya niya akong mag-jacuzzi.

“Totoo yun, bata pa kami nun. Kakatapos lang ng StarStruck, yeah, nag-bathtub talaga kami.”

Pareho raw silang naka-briefs noon base sa pagkakaalala ni Aljur.

Dagdag pa niya, “Naka-underwear siya.

“May doubt na akong bakla si Prince. And wala naman akong problema sa mga bakla.

“I just gave him the benefit of the doubt na baka hindi, so nag-bathtub kami tsaka magkatabi pa kami sa kama pag natutulog.

“Then, nagulat na lang ako, kasi ang tingin niya sa akin, iba na.

“Siyempre mararamdaman mo yun, kakaiba na, e.

“Kaya ang sabi ko, ‘Walanghiya ka,’ tumayo na ako. Pagtayo, umalis ako kaagad.”

Sa guesting ni Prince sa podcast na Good Times With Mo Twister noong October 20, sinabi rin nito na hindi raw ganun kalaki ang kargada ni Aljur.

Natatawang sagot ni Aljur, “Talaga? Baka ugat lang yung nakita niya!”

Sa tingin ba niya ay ginamit lang ni Prince ang pangalan niya?

Saad ng Kapuso hunk, “Ayokong isipin na ganun 'coz he’s my friend.

“I treat him as a friend kasi ka-StarStruck ko siya, e, our humble beginnings.

“So, may ganun kaming relasyon.

“I don’t wanna think about that.

"I know naman he’s a nice friend. Baka lang may pinanggalingan na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa kanyang bahay sa may Quezon City kahapon, November 4, kaugnay sa kanyang pagkumpirma na nagkabalikan na sila ni Kylie Padilla.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN